Skip to main content

Posts

Showing posts with the label teenager

FB AT TWITTER: Pangontra Sa SUICIDE?

Sabi sa pagsasaliksik, maaawat ang teenager sa kanyang pagpapakamatay o suicide kung lagi siyang gumagamit ng FB, Twitter , at kung anu-ano pang social networking sites . Wala naman 'yang ginawa kundi mag-fb at mag-twitter, ito ang kalimitang reklamo ng mga magulang sa kanilang anak, sabay iling. Kung minsan kasi dahil sa maghapon nilang pagbababad sa computer ay nakalilimutan na nilang mag-aral. Kaya kalimitan ay nagsisipagbababaan ang kanilang mga grado. Ngunit kahit ganun, may kabutihan pa ring dulot ang FB o Twitter. Sa pamamagitan nito ay hindi na maiisipan ng teenager ang mag-suicide. Alam na alam natin na sa pamamagitan ng social media sites ay nagagawa nating mailabas ang galit at sama ng loob maging ang ating mga kabiguan. Sa pamamagitan nito ay mababawasan ang paghihirap ng kalooban natin. 'Yun nga lang kapag sobra na ang sakit na nararamdaman natin, hindi na maiwasan pa na maisipan ang mag-suicide. Kung minsan ay sobra tayong emosyunal na pakiramd...

Parenting Tips- Para Hindi Maging Violent Ang Teenagers

Parenting Tips. Sa panahon ngayon, kaliwa't kanan na ang palabas na may akmang violence at isa raw ito sa mga dahilan kung bakit nagiging bayolente ang isang anak lalo na 'yung teenagers . Bukod rito marami pang ibang reason kung bakit nagiging suwail ang kabataan. Heto ang ilang dahilan pati na rin tips para sa iyo bilang magulang upang mapalaki mong hindi violent ang iyong teenagers. Tips For Parents- How Your Teens Can Avoid Violence Peer Pressure  Ang teenagers na involved sa mga bayolenteng aktibidad ay karaniwang hindi gagawa ng karahasan nang hindi kasama ang kanilang mga kaibigan. Bilang parents, dapat kilala ninyo rin at alamin kung sino ang mga kaibigan ng iyong anak at kung ano ang kanilang mga inuugali kapag magkakasama, dito mo makikita ang babalang sensyales kung malalagay sa gulo ang anak. Mas madaling maimpluwensiyahan ang teenagers ng kanilang mga kaibigan na bayolente, tiyak na magiging bayolente rin ang iyong anak. Violent Parents Kung ang mi...