Sa pagsisimula ng isang negosyo, importanteng hakbang ang pagkuha ng business permit at lisensya. Para maging legal ang iyong pag-nenegosyo, may ilang government agencies ang kailangan mong puntahan depende sa uri ng negosyong iyong papasukin. Una na riyan ang Department of Trade And Industry. Sa kanila mo ipare-rehistro ang pangalan ng iyong negosyo. May mga regional at provincial branches ang DTI. Importanteng ipa-rehistro mo sa kanila ang pangalan ng iyong negosyo upang magkaroon ka ng eksklusibong karapatan dito. Required para sa mga single proprietor ang gawin ito at opsyonal naman para sa isang partnership business at korporasyon. Pwede ka ring mag-apply online ng iyong business name. Magtungo lamang sa bnrs.dti.gov.ph Dapat namang magtungo ang isang partnership at corporate business sa Securities and Exchange Commission . Para ito’y maging legal at judicial entity. Ang website nila ay sec.gov.ph Kailangan mo ring mangalap ng kaukulang permiso mula ...
Health.Money.Love.Lifestyle.Etc