Sa modernong panahon ngayon, kung saan walang hinto ang mga bagong kaalaman at paglago ng iba’t-ibang impormasyon ay hindi maiiwasan na makaranas tayo ng brain fatigue kung saan madalas hirap na tayong makaalala ng mga mahahalagang impormasyon. Kaya naman ang mga estratehiya na makaalala tayo ng mga impormasyon na importante ay nagiging kritikal at kailangan. Ayon sa mga psychologist ng University of Edinburgh , Michaela Dewar na ang pagtulog ng mahimbing (relax sleep) ay nakatutulong para labanan ang brain fatigue, isa itong paraan para mapabuti ang ating memorya. Sinasabi nga sa ulat ng Live Journal na iyong simpleng pagpikit mo ng sandali pagkatapos mong malaman ang isang impormasyon ay labis na nakatutulong para hindi mo ito malimutan. Itong mga aktibidad gaya nito ay may malaking epekto sa abilidad ng utak na magproseso ng mga impormasyon. Gumamit si Dewar ng 33 matatanda, iyung nasa edad na 61 to 87 para sa isang halimbawa. Pinabasa niya ang mga ito ng mai...
Health.Money.Love.Lifestyle.Etc