Lahat tayo ay nakaranas na ng pagkabalisa, pagka-iritable, at depresyon minsan sa ating buhay. Pero mayroon namang mga paraan para makaranas ng good mood upang labanan ang mga ganitong pakiramdam. Pwedeng kumain ng mga pagkain na ito na tiyak, matapos mong kainin ay makapagbibigay na sa iyo ng magandang epekto sa iyong pakiramdam. Fish Oil. Ang omega 3 fatty acids na makikita rito ay mabuti sa puso at sa pagpapabuti ng iyong pakiramdam o mood. Ayon sa pag-aaral na isinagawa sa University of Pittsburgh School of Medicine, ang mga taong may mababang dami ng omega 3 fatty acids ay madalas na makaranas ng depresyon at pagiging negatibo. Tsokolate. Madalas ang pagkain ng tsokolate ng isang taong nais magkaroon ng good mood. Hindi naman masama ito. Maraming chemical content ang pagkain na ito na nakalalaban sa kalungkutan, mayroon itong magnesium para ikaw ay ma-relax, nakakapawi naman ang anandamide at kaginhawahan sa pakiramdam naman ang hatid ng phenylethylamine. Ma...
Health.Money.Love.Lifestyle.Etc