Skip to main content

Posts

Showing posts with the label Awe Therapy- Mabuti Sa Brain Health

Awe Therapy- Mabuti Sa Brain Health

Madalas ka bang mamangha sa mga bagay-bagay na iyong nakikita o di kaya nama’y napapanood sa telebisyon? Alam ninyo bang ang pagkamangha ay healthy sa pag-iisip. It’s awesome! Malaking tulong ito sa health ng ating brain. Bukod pa riya, nakatutulong din itong maging mabuti ang ating pag-uugali. Ito ang patunay riyan. Ayon sa mga eksperto, ang mga nakalalaglag-pangang mga bagay o sandali ay kayang pahintuin o pabagalin ang takbo ng oras. Ang konsepto ng “awe therapy” ay inilalaan para matalo ang epekto ng stress na ating madalas makuha sa mabilis na takbo ng ating mundo. Sa panahon natin ngayon, ang oras ay napakahalaga, lalo na sa mga taong laging hectic ang schedule. Iyun bang kaliwa’t kanan ang appointment na tinalo pa ang mga artista at VIP sa rami ng dapat gawin. Dahil dito, isinusugal nila ang kanilang kalusugan at pakikitungo sa kanilang mahal sa buhay matapos lamang ang kanilang dapat tapusin. Nakaaawa ang ganitong kalagayan kaya kung ikaw ay isa sa kanila, dapat l...