Isang importanteng dokumento ang NBI clearance. Ito ang madalas hanapin ng mga employer o agency kapag nag-aaply ka ng trabaho. Pero huwag kang mag-alala madali namang kumuha ng NBI CLEARANCE lalo't malinis naman ang record mo. Ito ang Tips Sa Pagkuha ng NBI CLEARANCE: Mga Kailangang Dalhin: Dalawang valid i.d. Pwede ang voter's i.d, postal i.d, sss i.d, GSS i.d, PRC license, driver's license, school i.d, passport, ACR ( para sa mga alien), senior citizen's i.d, at Philhealth I.D * Wala na rin pong renewal ang NBI. Kailangan mo nang kumuha kapag paso na ito. Marahil kasi ang NBI clearance ngayon ay mayroon ng Bar Code na maaaring mabasa ng isang QR CODE Scanning App na naka-install sa iyong mobile device. Tignan ang sample sa larawan: Ano ang mga dapat bayaran? 415 pesos kung gagamitin mo ito sa mga ss: naturalization, cancellation of ACR, Repatriation. 165 pesos naman para sa mga ss: Change of name, business license, PRA requirements, permit to ...
Health.Money.Love.Lifestyle.Etc