Skip to main content

Posts

Showing posts from November, 2011

UTI Natural Remedies: Epektibo At Natural Na Lunas

Nabasa mo ang tungkol sa sakit na U.T.I ( Urinary Tract Infection) . Ngayon naman ito ang mga ilan sa natural na lunas at maaari mong subukan para sa sakit na ito: Ang tulong ng baking soda . Paghaluin ang 1/2 tsp na baking soda sa 8 ounce na basong tubig. Ang pag-inom nito ay nakakatulong para sa mga unang sintomas ng uti. Ang presensya ng baking soda sa katawan ay nakakadagdag sa acid-based balance ng acidic urine.  Uminom ng maraming tubig . Maigi ang pag-inom ng maraming tubig sapagkat nililinis nito ang ating katawan sa pamamagitan ng pag-dilute at pag-flushout ng mga hindi kanais-nais na substansya sa loob nito.  Pag-inom ng cranberry juice . Mahusay ito sa panlaban ng impeksyon, pinipigilan nito ang pagkapit ng mga bakterya sa cell na malapit sa daluyan ng ihi. Mas maigi ang fresh cranberry juice para sa bladder infection kaysa sa bottled cranberry juice. Pero kung walang makitang mabiling sariwang prutas na cranberry ay piliin ang mga bottled cranberry juice na ma