Para maibsan ang sakit o pain, mas mainam na sumubok ng mga natural na lunas mula sa mga natural na materyal. Tingnan mo ang iyong kusina sapagkat ang ilan sa aming tinutukoy ay baka naroon lamang. Ang pagkain ng saging ay pwedeng gamot sa heartburn sapagkat pinapababa nito ang produksyon ng stomach acid. Ang mga materyal na ito syempre pa ay walang epekto sa tungkulin ng ating atay. Paano naman sa sakit ng ngipin o di kaya nama’y migraine. Anu-ano ang mga natural substances na pwedeng lunas sa ganitong problema. Ito ang listahan ng mga natural na paraan para makaiwas sa iba’t ibang uri ng pain: Kung takot kang magtungo sa iyong dentista para magpatingin ng sakit sa iyong ngipin o temporaryo lang naman ang sakit ay pwede kang ngumuya ng sibuyas. Dalawang oras ang itatagal ng bisa nito sa sakit ng iyong ngipin at pati na rin sa iyong namamagang gilagid. Mayroon kasi itong eugenol, isang natural compound mula sa langis ng sibuyas na gamot na nakakapatay ng mga bacteria na...
Health.Money.Love.Lifestyle.Etc