Skip to main content

Posts

Showing posts from April, 2011

Networking: Ano Ang Magandang Salihan?

Marami na nga ang umunlad sa network marketing o mas kilala sa Pilipinas bilang "networking". Ito ay iyung kikita ka sa pagbebenta ng produkto o pag-iimbita ng mga taong sasali. Pero hindi rin lingid sa marami na 'di ganun kadali ang kumita sa negosyong ito. Kailangan mo ng tiyaga at tamang estratehiya para kumita. Kadalasan pa nga'y sinasabi nating scam ang mga ito kapag hindi tayo kumikita pero ang totoo tayo mismo ang nanloko sa ating sarili, dahil sumali lang tayo pero hindi kumilos. Kaya naman ang tanong ng marami, ano bang networking ang magandang salihan sa Pinas at madaling palaguin. Ito ang ilan sa mga dapat mong ikonsidera sa pagsali. 1. Madali bang ibenta ang produkto? O may produkto bang ibinebenta? Kung sasali ka sa networking ay kailangan mong isipin kung ano ang madali para sa iyo na ibenta. Sa pagsali sa isang networking, dapat maintindihan mong hindi ka kikita sa pag recruit lang ng tao, kailangan ay may produkto rin itong ibinebenta.  2. Ang

Love Tips: 10 Paraan Para Malaman Mong Mahal Ka Ng Taong Mahal Mo

Minsan naitatanong mo rin sa iyong sarili kung tunay ka nga bang mahal ng taong mahal mo. Nais mong malaman kung siya na nga ba ang taong magmamahal sa'yo hanggang sa pagtanda mo. Nais mong malaman kung ano nga ba ang karakter ng isang taong totoo kung magmahal. Ito ang sampung paraan: from google image for illustration only 1. Ang taong ito na mahal mo ay hindi humihingi ng anumang kapalit sa anumang pabor o tulong na naibigay niya sa'yo. Hindi siya marunong manumbat, tumutulong siya sa anumang problemang danasin mo sa iyong buhay ng walang pag-aalinlangan.  2. Abutin man ng taon o dekada ang inyong relasyon ay nakikita mong nag-aalab pa rin ang kanyang pag-ibig sa iyo, ganoon pa rin siya kalambing, at kung magbago man ay nakikita mo at pinaparamdam niya sa iyong mas lumalalim ang kanyang pagmamahal sa iyo sa pamamagitan ng pagbibigay niya ng importansya sa'yo at sa inyong relasyon.  3. Kung siya'y may pagkakamali ay aaminin niyang siya ay nagkamal

Chlorella: Maigi Sa Bituka Bato Atay At Daluyan Ng Dugo

Isa sa mga pinakamahusay na food substances para sa paglinis ng ating bituka, atay at dugo ay ang chloropyll na nakikita sa mga maberdeng gulay lalo na iyong sa mga madahon na gulay.  For Orders Text 09325242754 Ang problema nga lang, ang mga pagkain na berde ay mayroon lamang na kalahati ng isang porsyentong chloropyll. Ngunit ang Chlorella ay mayroong limang beses na chloropyll kumpara sa wheat grass at sampung beses na mayroon kumpara sa barley grass.  Ang Chlorella na nga ang mayroong pinaka mataas na porsyento ng chloropyll kumpara sa lahat ng halaman sa mundo.  Mula sa 1.7 porsyento hanggang sa 7 porsyento. Ang chloropyll molecule ay tulad ng hemoglobin molecule sa ating dugo na siya ngang mabisa sa paglilinis ng ating bituka, bato, atay at daluyan ng dugo. 

Goji Berries: Para Sa Mga Diabetic Menopause Obese Atbp

Ang Goji Berries na kung tawagin ay Wonder Berries ay may mabuting dulot sa ating katawan at marami na nga ang nakapagpatunay nito. Garantisadong mahabang buhay at iwas sa malulubhang sakit ang hatid nito sa taong iinom nito sa araw-araw. Higit pa riyan, binabawasan rin nito ang pagkahilig mo sa pagkain ng mga matatamis na tunay namang may hatid na benepisyo sa mga taong may mataas na sugar level gaya ng mga taong diabetic. Mabibili na ang Goji Berries sa Pinas Text 09325242754 for orders Isang mabisang anti-oxidant din ang Goji Berries. Marami itong taglay na mineral, bitamina, at amino acids na sapat na upang masabing ang Goji Berries ay isang pagkaing hitik sa nutrisyon. Taglay nito ang mga amino acids tulad ng Vitamin C, Vitamin E, Omega 6 fatty acids, B complex, Linoleic acid at mayroon ding beta carotene na higit na mas marami kaysa sa Carrots.  Ang Goji Berries ay may mabuting dulot kung ikaw ay taong nais makaiwas o nais gumaling sa mga sakit tulad ng: 1. Obe

Womb Transplant: Para Sa Hindi Magkaanak

Habang mainit na binabatikos ngayon ang isyu tungkol sa Reproductive Health Bill na sinasabing magbibigay-solusyon para makontrol ang paglobo ng populasyon ng bansa ay may mga tao lalo na ang mga kababaihan na tila malayo ang pananaw tungkol dito sa pag-aasam nila na magkaroon ng sariling supling. from google image for illustration only Sa loob ng ilang taon na pagsusubok na mabiyayaan ng anak, napakahirap para sa isang babae ang basta na lang sumuko at tuluyan nang magdesisyon na mag-alaga o mag-ampon ng ibang bata. Bahagi kasi ng kaganapan sa kanyang buhay na magawang mag-alay o mabigyan ng pinakamagandang regalo ang kanyang magiging asawa habang unti-unti silang bumubuo ng sariling pamilya. Marahil ay napakarami ng paraan ang kanilang nasubukan ngunit kung maaari ay mas gusto pa rin niya sumailalim ito sa natural na proseso. May mga nagsasabi na sa takdang  panahon o oras ay magaan din itong ibigay o ipagkakaloob ng Poong Maykapal kaya marami pa rin ang patuloy na n

Grape Seeds: Ano Ang Mabuting Dulot?

Ang Proanthocyanidin Power Grape Seeds ay mayroong bioflavonoid na kilala bilang proanthocyanidin. Kamakailan lamang ay natuklasan na ang proanthocyanidin ay dalawampung beses na mas malakas kaysa sa Vitamin C at limampung beses na mas mabisa kaysa sa Vitamin E at Beta Carotene.  Vera 7 Grape Seed Oil Extract 30 softgel capsule for only 750.00 pesos order now 09325242754  Ano nga ba ang mabuting dulot ng Grape Seeds?  Alam mo bang habang tayo ay nagkaka-edad, nagiging kaunti ang anti-oxidant sa ating katawan na siyang lumalaban sa mga free radicals ( ang free radicals ay isang reactive chemical compound na siyang may potensyal na sirain ang ating human DNA ) . Dahil dito, tumataas ang tsansa nating magkaroon ng mga malulubhang karamdaman. Ang Grape Seed Extract ay rekomendado ng mga doktor sa Europa sa kanilang mga pasyente na nais makaiwas o nais gumaling sa mga sakit gaya nang cardio vascular diseases, water retention, arthritis, varicose veins, at collagen damage

Bearberry: Magandang Dulot Sa Balat

Pagdating sa kulay ng ating balat ay talaga namang iba iba ang ating nais. Nakakatuwa ngang isipin na iyung mapuputi gustong maging tan at iyung mga tan ay gusto namang pumuti. Kaya dito sa Pilipinas, kung saan ang karamihan ng Pinoy ay kayumanggi ay talaga namang suki ng mga produktong pampaputi. Pero alin nga ba sa mga ito ang epektibo at may bisa sa pagpapaputi ng iyong balat. Rekomendado ang sabon na may sangkap na Arbutin dahil doble ang bisa nito bilang isang whitening agent . Pinoprotektahan nito ang balat sa mga pinsala dulot ng mga free radicals . Ang Arbutin ay makukuha sa bearberry na may hatid na pampaputi ng balat, pampabata, at UVB/UVC filter . Order Now 09325242754 Ang bearberry din ay mayroong Licorice at Glabidrin na nagpapaputi dahil hinahadlangan ng mga ito ang pagbuo ng melanin, isang pigment na responsable sa skin discoloration .  Mabibili na sa merkado ang mga sabon na may sangkap na Bearberry . Maaari mong subukan ang Berry White , prod

Mga Patok Na Negosyo Sa Pilipinas

Maganda man ang iyong trabaho, pero tiyak akong ang kita mo rito ay hindi talaga sapat kung nais mong pangarapin na magkaroon ng komportableng buhay, may bahay, may ari-arian, may kotse at iba pa. Iyun bang tinatawag na financial freedom .  Iyan ang tunay na dahilan kung bakit dapat ma-enganyo ang Pinoy na sumubok mag-negosyo . Ngunit hindi nga naman ganun kadali ang magsimula ng isang negosyo dahil na rin sa walang pagkukuhanan ng puhunan. Tama, mahalaga ang kapital para makapagsimula. Huwag kang mag-alala, hindi naman agad-agad ay sasabak ka sa negosyo na gamit ang malaking kapital. Maiging sumubok ka muna sa maliit. Ito ang ilan sa mga patok na negosyo sa Pilipinas na maaari mong subukan. Network Marketing Ang network marketing . Hindi po ito iyung pyramiding o madaliang kitaan. Ang network marketing o mas kilala sa tawag na networking sa Pilipinas ay lehitimo kung mayroong produktong ibinebenta. Patok na patok ang negosyong ito lalo na sa mga estudyante na nais ng part