Maraming kababaihan sa ngayon ang nakararanas ng pang-aabuso sa kanilang asawa, dating asawa o karelayon sa kasalukuyan. Ang pang-aabuso ay hindi lang patungkol sa pisikal tulad ng pambubugbog dahil maaari din itong tawaging pang-aabuso kapag apektado na rin ang emosyunal o mental na aspeto ng isang babae. Bilang isang babae, ano ang iyong karapatan para sa mga ganitong uri ng kaso dito sa Pilipinas, maaari mo bang protektahan ang iyong sarili at ang iyong mga anak sa ganitong klase ng pang-aabuso ng mga kalalakihan? Know your rights- ito ang mga kaalaman tungkol sa R.A No. 9262. Bilang isang babaeng inabuso ay maaari kang maghain ng reklamo kaugnay ng paglabag ng isang lalake sa mga probisyon ng Republic Act (R.A) No. 9262 o ang Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004 . Ayon sa nasabing batas, maaaring maparusahan ang isang lalaki na gumawa ng pang-aabuso o pananakit sa kanyang asawa, dating asawa o karelasyon o sa anak nito (Section 3,id). We want to ...
Health.Money.Love.Lifestyle.Etc