Siguro’y hindi mo pa alam ang mga kakaibang paraan na ito para linisin ang mga gamit sa inyong kusina. Halika’t turuan kitang magmukhang makintab at bago ang iyong kitchen wares para ma-impress sa iyo ang mister mo. Magtunaw ng baking soda sa tubig at mabilis na ilublob roon ang iyong gamit pangkusina tulad ng sandok, kutsilyo, kutsara, tinidor atbp. Magiging makintab ang mga ito pagkatapos. Gumamit ng suka para maglinis ng mga glassware o mababasaging gamit tulad ng baso o tasa. Para naman maging maputi ang aluminum sa loob ng pressure cooker ay ito ang gawin mo: Maglagay ng tubig sa pressure cooker at ilagay ang pressure pan kasama ng mga sangkap sa pagluluto. Maglagay ng isa hanggang dalawang piraso ng lemon, isang bilog ng tamarind at iba pang citric ingredient sa tubig. Normal na lulutuin ng pressure cooker ang iyong niluluto. Pagkaraan makikita mong makintab na ang pan at iyong mga dating mantsa ay mawawala. Para sa mga nanikit ng mantsa ay kailangang ulitin...
Health.Money.Love.Lifestyle.Etc