Ang ating katawan ay kayang magbawas ng 1.5 na tubig sa isang normal na araw. Ngunit mas marami pa rito ang pwedeng mawala sa katawan kapag sobra ang init ng araw, mga hanggang 10 litro lang naman kada araw- kaya nagpapawis ng husto kapag mainit. Mainam ang pawis sapagkat sa pamamagitan nito ay nailalabas natin ang init sa ating katawan. Ngunit nagdudulot din ito ng masangsang na amoy dulot ng mga natural na bacteria sa ating balat kaya naman ito ay nauuwi kung minsan sa pagkakaroon ng body odour. At para sa kaalaman ng lahat, mas pwedeng magkaroon ng mabahong amoy ang mga lalake kaysa sa mga babae. Hindi mo man kayang pigilan ang iyong pagpapawis ay kaya mo namang kontrolin ang pagkakaroon ng body odour para naman hindi turn-off sa girls ang amoy mo. Uminom ng maraming tubig. Ang pagkonsumo ng sapat na dami ng tubig sa katawan ay makatutulong para hindi ka masyadong magpawis. Kaya masanay ka nang uminom ng tubig ngayon. Gumamit ng anti-perspirant o deodorant. Liberal ...
Health.Money.Love.Lifestyle.Etc