Ayon sa isang eksperto ang diet ng tao sa kasalukuyang panahon ay punum-puno ng refined foods, trans fats at sugar na siyang ugat ng tinatawag na Degenerative Diseases tulad ng obesity, cancer, sakit sa puso, Parkinson's, Alzheimer, depresyon at infertility. Pinakamainam na sandata ay ang malaman ang kalidad ng mga pagkaing kinokonsumo upang makaiwas sa naturang mga sakit. Walang masama kung ikokonsidera ang tinatawag na diet ng mga sinaunang tao na kinabibilangan ng mga sumusunod: Mani at pati na ang peanut butter. Ang peanuts ay mani ngunit kabahagi rin ito ng pamilya ng mga legume. Naniniwala ang mga sinaunang tao na ang component ng legumes na tinatawag na phytate ay tinatayang "anti-nutrient", na hindi maayos na nagpapatunaw ng pagkain sa loob ng katawan, kundi maging sa kabuuan ng digestion at iba pang bitamina at mineral. Beans. Katulad ng mani, ang beans ay isa ring legumes na punum-puno ng fiber at protina. Ang beans ay iniiwasan ng mga sinaunang t...
Health.Money.Love.Lifestyle.Etc