Mayroong survey na isinagawa at napatunayan nito na 70 posyento ng mga kalalakihan ay nagsasabing mas madaling alagaan ang kanilang kotse kaysa sa kanilang health o kalusugan. Maraming mga lalake na kapag nakararanas na ng mga sintomas ng sakit ay pinagsasawalang bahala ito at hindi man lang magawang bumisita sa kanilang doktor sa loob ng anim na buwan hanggang umabot ang taon para sila ay magpatingin. Nakakatakot ang statistic na ito ayon kay Scott Williams, ang bise presidente ng Men’s Health Network. Lalo na’t may mga sakit naman na pwedeng pagalingin bago pa man ito lumala kung ikaw ay maagap na komukunsulta sa iyong doktor. Nagsagawa ang MHN kasama ng Abbot Laboratories ng isang national online survey. Ito ay sinalihan ng 501 lalake, mga edad 45 hanggang 65 at 501 ng kanilang partner para malaman kung gaano kaagap ang mga lalaki sa kondisyon ng kanilang kalusugan. Pinatunayan lang ng survey na ito na ang mga lalaki ay “in denial” sa tuwing sila ay mayroong na...
Health.Money.Love.Lifestyle.Etc