Ikaw ba ay nagbabalak na magtayo ng isang Electronic Repair Shop? Sa dami ng mga naglalabasang electronic products ngayon sa merkado, tila hindi na dapat pagdudahan pa na isa sa in-demand ngayon na negosyo o trabaho ang pagiging electronic repair technician. Dahil dito, masasabing isa sa patok na negosyo ngayon ang Electronics Repair Shop. Magkagayunman, hindi isang madaling trabaho ang electronic repair. Hindi naman kasi ito basta may puhunan ka lang ay pwede na. Sapagkat nangangailangan din ito ng kaukulang training para makapagsimula. Kung sapat na ang iyong kaalam o kung ikaw ay mayroon ng sertipiko sa bokasyon na may kinalaman sa electronic repair ay ito ang ilan sa mga tips para makapagsimula ng negosyong ito: Una sa lahat, mahalaga ang pagkakaroon ng isang pwesto kung saan ay magiging komportable ka sa pag-rerepair mo. Dapat ay may sapat na liwanag at well-ventillated ang lugar. Pati na dapat ay gumaganang maigi lahat ng electrical outlet. Pangalawa, kumuh...
Health.Money.Love.Lifestyle.Etc