Skip to main content

Ringworm: Tips Para Sa Natural Na Lunas Sa Buni

--> Mga katoto, maraming salamat sa patuloy na pagtangkilik ninyo sa Tips ni Katoto. Patunay na ang mga natatanggap naming mga komento sa inyo. Ilan sa mga ito ay mga katanungan, mga katoto nating naghahanap ng solusyon sa kanilang problema. Isa na rito si katotong Dark Smile, hindi niya tunay na pangalan na nagtatanong kung ano-anu ba ang mga natural na lunas sa ringworm o buni.

Ang Buni (ringworm) ay sakit sa balat, at ang fungi na sanhi nito ay pangunahing naninirahan sa loob ng katawan. Hindi nga lahat ng fungi ay may dalang pakinabang sa ating katawan pagkat mayroon ding may dulot na impeksyon at tunay ngang nakakapinsala. 

Nagsisimulang mabuo ang buni kapag ang fungus ay nagsisimula nang lumago at dumami sa mga parte ng katawan na madalas pagpawisan tulad ng anit, balat, singit at pati na rin sa bahaging kuko. Lalo na't kung ang mga bahagi ng katawan nating ito ay nakaranas ng mga pinsala. 

Dahil ang buni ay nakakahawa, hindi rin maiiiwasan na makuha mo ito sa direktang pakikipag-ugnayan mo sa taong mayroon din nito tulad ng paghiram ng damit, pagligo sa swimming pool, paggamit ng kanilang suklay atbp. 

At sa maniwala kayo't hindi, ang buni ay maaari mo ring makuha sa iyong mga alagang hayop na mayroon nito. Mga pusa ang madalas na mayroon nito tulad rin ng aso at kabayo.

Subukan ang mga natural na lunas dito gaya ng mga sumusunod:

1. Maghiwa ng hilaw na papaya at ipahid sa apektadong bahagi ng iyong katawan dalawang beses sa isang araw. Maganda ang dulot ng papaya sa balat at epektibo sa paggamot sa buni.

2. Lunas na rin para sa buni sa anit ang castor oil. Ipahid sa apektadong bahagi ng ulo.

3. Maigi rin ang buto ng mustasa, gawin itong mustard paste pagkatapos ay ipahid sa iyong buni.

4. Dahil sa kakayahan nitong lunasan ang pangangati sa balat at pagpapalambot ng balat, isa ring maiging lunas sa buni ang langis ng niyog.

Samantala, ang mga ito naman ay mga Rekomendadong Produkto Para Sa Gamot At Iwas BUNI:



Tinactin Anti-fungal Ointment - ito ay gamot sa buni at iba pang fungal infection gaya ng Tinea-flava, athletes foot, atbp. Sangkap nito ay 10 gram ng Tolnaftate. Mabibili lamang ito online sa halagang 165 pesos.

Milea Organic Acapulco Anti-fungal Soap-

Mabisa naman ang sabon na ito para sa buni at iba pang fungal infection. Sangkap ng Acapulco Soap ang isang medical herb na naglalaman ng chrysophanic acid na siyang dahilan kung bakit maigi ang produktong ito sa paglaban sa ilang mga skin diseases gaya ng buni at pati na ng iba pang fungi, bacteria at yeast. Pwede rin ito sa an-an, kagat ng insekto, eczema, galis at pangangati.

Mabibili lamang ito online sa halagang 165 pesos (100 mg)



Ang buni kapag hindi naagapan ay maaaring dumami at kumalat sa balat kaya't maiging humanap ng lunas dito bago pa ito mangyari. Kumonsulta rin sa inyong dermatologist para sa agarang gamutan.


-->

Comments

Popular posts from this blog

Iba Pang Kaalaman Tungkol Sa Genital Herpes

Ang artikulong mababasa sa baba ay mula sa pahayagang Bulgar sa kolum na Sabi ni Doc ni Shane Ludovice M.D. Ito ay tungkol sa nararanasan ng isang babae tungkol sa pagtutubig ng kanyang ari na tila pabalik-balik. Ano kaya ito? Sabi ni Doc, maaaring genital herpes ang nararanasan ng babae. Ito ay dala ng virus na Herpes Simplex. Maaari itong makuha sa pakikipagtalik sa pwerta, puwit, o oral s&x o pagdikit sa sugat ng taong impektado. Sa genital herpes, nakakakita ng mga butlig na may tubig na parang pasa o sugat sa dakong ari at ito ay makati, mahapdi o masakit. Paminsa-minsan ay nakararanas din ng masakit na pag-ihi o kaya ay nakararamdam ang pasyente na parang may trangkaso. Ang nasabing virus ay maaaring magpabalik-balik. Ngunit sa paglipas ng panahon, nababawasan at dumadalang na ang tindi ng atake nito hanggang tuluyan nang huminto ang atake ng herpes. May mga gamot na klasipikadong anti-herpes pero ang ginagawa lamang nito ay pabilisin ang proseso ng paggaling ng suga...

Tips Para Mawala Ang Sinok (HICCUP)

Hindi kaaya-aya sa pakiramdam ang sinukin (HICCUP) lalo’t nasa harap ka ng isang importanteng meeting o di kaya nama’y first time mong maka-date ang iyong nililigawan. Paano ba mawala ang sinok? Heto ang ilang tips para mawala ang ganitong pakiramdam. Pigilan mo ang iyong paghinga hangga’t sa makakaya mong gawin ito. Takpan mo ng iyong mga daliri ang iyong magkabilang tenga at malumanay na pisilin matapos ang ilang minuto. Yumuko sa baywang at uminom ng tubig habang nasa ganoong posisyon. Kumain ng luya. Sumipsip ng hiniwang kalamansi o lemon. Lumagok ng isang kutsaritang suka Mahigpit na takpan ng paper bag ang iyong bibig. Pagkatapos ay huminga at bumuga ng hangin sa loob ng paper bag. Lumunok ng isang kutsaritang asukal at pagkatapos ay uminom ng tubig. Magpuno ng tasa ng tsaa mga hanggang 2/3 ang pagkapuno. Sunod ay maglagay ng nakasaliwang kutsarita. (i.e ang hawakan sa tasa) at uminom ng normal. Magiging abala ka sa kutsara na huwag malaglag sa tasa habang ikaw ay umii...

Tips o Mga Kaalaman Tungkol Sa CYST

Individuals who have cyst are concern if this can make them paralyzed when not medically cured by surgery. What is cyst and what to do? Ito ang ilang tips o kaalaman tungkol sa cyst. Cyst- What it is and What to Do? Most often, cyst that are shown on our back body part is called sebaceous cyst. Ang sebaceous gland ng ating balat ay nagbubuga ng sebum. Ito ay isang uri ng langis na siyang nagpapanatiling malusog sa ating balat. May mga sebaceous gland sa ating buong katawan maliban lamang sa talampakan  at palad. Mas madalas na makita ang sebaceous gland na ito sa katawan,mukha,balikat at ari. Kapag nabarahan ang mga outlet ng glandulang ito, magpapatuloy pa rin itong maglabas ng sebum at kapag naipon, itoay magiging cyst at ito ay mapapansin na nakaumbok sa balat, matigas at puwedeng lumaki kung mananatiling hindi impektado. Mas madalas kaysa hindi, naiimpeksyon ang mga naturang cyst. Kakailanganin ang minor operation (out patient lamang) para sa sebaceous cyst subalit, ...