Skip to main content

Posts

UTI and Hemorrhoid: SANHI, SINTOMAS AT LUNAS NG UTI AT ALMORANAS

Ano ba ang mga symptoms ng UTI at ano ang mga gamot na para rito? – 639198118*** Urinary Tract Infection o UTI ang tinatawag kung may infection sa daluyan ng ihi at ang karaniwang sanhi nito ay organismong E. Coli. Anatomically ay maikli ang urethra o daluyan ng ihi ng babae kaysa mga lalaki kaya mas madalas na Makita ang UTI sa kababaihan. Ang isang may UTI ay nakararanas ng mahirap at masakit na pag-ihi, paputol-putol at papatak-patak na pag-ihi, minsan ay may lagnat, pananakit ng puson at chills. Kung may mga sintomas na nabanggit, maipapayo ang ipa-examine ang ihi at kung positibo, antibiotiko ang lunas para rito. 2. Madalas po akong magkaroon ng almoranas, mga once a month. Iniinuman ko po ng varimoid tablet at nawawala naman, paano ba para hindi na ito bumalik? – 639186712*** Sa almoranas, ang apektadong ugat ay nasa palibot ng butas ng puwit at kapag tumaas ang presyon sa loob ng ugat sanhi ng labis na pag-ire, puwedeng sumabog ang mga ugat na ito kaya n...

HEALTHY BENEFITS 'PAG NAGBAWAS NG TIMBANG

Hindi lang magmumukhang macho o sexy… HINDI dapat ipagsawalambahala ng isang tao kapag siya ay pinayuhan ng kanyang doctor na magbawas ng timbang sa sariling katawan upang maiwas sa bantang panganib na dulot ng sakit sa puso. Ayon sa pananaliksik, lumalabas na ang isang tao ay may kakayahang magkaroon ng maigting na benepisyo sa usapin ng kanyang cardiovascular sa pamamagitan ng naturang simpleng pagbabawas ng timbang. Kahit ang maliit na bilang ng taba na mababawas ng isang tao sa kanyang katawan ay mahusay na makapuputol sa tsansa na makapag-develop sa tinatawag na insulin resistance, na isang kondisyon ng katawan na napo-produce ng insulin ngunit hindi naman maayos ang nagiging bunga. Ang resulta ay ang pagkakabuo ng parehong insulin at sugar sa blood stream na isang masamang balita sa puso ng isang tao. Bilang karagdagan at tulong sa pagbabawas ng timbang, marapat na kumonsumo ng maraming fiber, whole grains at lean pro...

Ginger: BUTING DULOT NG LUYA SA NAGPAPA-CHEMOTHERAPY

IBINAHAGI ng mga eksperto ang benepisyong dulot ng pagdaragdag ng isang kutsaritang luya sa kinukonsumong pagkain sa mga araw bago at pagkatapos ng sesyon ng chemotherapy. Lumabas sa pag-aaral na ang bagay na ito ay may kakayahang makabawas ng brutal na side effects na nararanasan ng isang nagpapa-chemo. Habang ang chemotherapy ay nakapagpapakita ng masidhing pangako sa pagpapabuti ng kondisyon ng maraming uri ng cancer tulad ng pagkahilo at pagsusuka na nagiging dahilan ng maraming pasyente upang katakutan ang proseso. Gayunman, ang mga pasyente namang kumukonsumo ng luya sa naturang oras ay nakararanas ng 40% kabawasan ng nasabing mga sintomas. Ang kalahating gramo at isang gramo ay ang pinakamainam na rami ng tamang konsumuhin. - No Problem (Bulgar) ni Ms. Myra

Wedding Rings: Tips Sa Pagpili

Ang wedding band ay sinisimbolo ng walang katapusang pag-ibig na ibinabahagi sa bawat isa. Mahalaga na pumili ng singsing na pareho ninyong maipagmamalaki habang nakasuot sa daliri sa buong buhay ninyo. 1. Tumingin sa mga bridal magazine upang makakuha ng ideya. 2. Magtanong sa kaibigan at pamilya kung saang jewelry shop maaaring magpagawa o bumili ng angkop na singsing. Ang paraan na ito ay karaniwang mura lamang at mas personalized ang pagpapagawa. 3. Pumili ng singsing na katulad sa engagement ring ng bride upang pareho niya itong maisuot. 4. Tanungin ang iba pang miyembro ng pamilya sa anumang pamanang singsing. Maaaring may mas maganda silang hitsura ng singsing na galling pa sa kanunununuang singsing mula sa jewelry box. 5. Subukan ang iba pang uri kung ano ang mas babagay at maganda sa kanyang mga kamay. 6. Oras na makapili ka na ng band, ipa-engraved ang petsa ng kasal sa loob nito. Ang iba pang sentimental na alaala ay puwede...

Rings: SIMBOLISMO NG MGA SINGSING

HABANG walang nae-establisang kahalagahan na may kaugnayan sa singsing na maaaring isuot sa inyong kasal, ang ilang singsing ay may likas na sinisimbolo, depende sa daliri na pagsusuutan. Ito ay espesyal na totoo sa engagement at wedding ring pero may kaugnayan din sa iba pang uri ng singsing. 1. Magsuot ng singsing na ayon sa iyong birthstone upang makita ang birth month mo ayon sa iyong gusting estilo. 2. Umorder ng school ring na nagpapakita ng taon ng iyong graduation at aktibidad na sinalihan. Ayon sa tradisyon, sinasabi na ang singsing ay isinusuot sa ayos ng insignia (paharap sa'yo) habang ikaw ay nasa eskuwela pero kapag ang insignia ay nakalabas ( malayo sa iyo) ito ay matapos kang nag-graduate. 3. Magsuot ng friendship ring o sumisimbolo ng closeness pero hindi gayon karomantiko ang relasyon. Ang singsing ay madalas na isuot sa maliit na daliri na maaaring isuot sa anumang daliri sa kahit anong kamay. 4. Pumili ng Irish Claddagh ring (dalawang kamay...

HOME TIPS: UPANG 'DI MADALE NG AKYAT-BAHAY

1. BURGLAR ALARM . Gaano man kaligtas kung iisipin ang iyong bahay, hindi natin masasabi kung kailan ka magiging biktima ng akyat-bahay. Napakahalagang maging ligtas ang inyong tahanan para sa iyong proteksiyon maging ng buong pamilya. May ilang paraan para maging ligtas ang tahanan, gayundin ang pamila na maging biktima ng nakawan at krimen. 2. OPEN WINDOW . Maglagay ng security system sa mga bintana at pintuan. Kung marami kayong kagamitan sa loob ng bahay, mainam nang mag-invest ng home security. Lahat ng bintana at pintuan ay lagyan ng security stickers. 3. DEADBOLT LOCK . Maglagay ng deadbolt lock sa mga bintana o pintuan. Tsekin din kung gumagana ang mga susian ng pinto at bintana. Kung minsan, pinag-aaralan ng magnanakaw kung paano papasukin ang bintana lalo na kung salamin ito at saka sila babalik sa susunod na pagtatangka. Kaya dapat regular ninyong tingnan ang inyong mga bintana at pintuan. 4. ...

MONEY TIPS: PARA MATURUAN ANG MGA ANAK NA MAG-IPON

Nagsimula na ang pasukan sa eskuwela at maraming problema na naman ang kinakaharap ng mga magulang lalo na kung paano tuturuan ang mga anak na mag-ipon. Noong bata pa kami, ang paniniwala naming mag-asawa ay pinakamainam na paraan para turuang mag-ipon ang aming mga anak ang pagbibigay sa kanila ng allowance na sapat lamang at hindi hihigit sa kanilang kailangan.Nagdadala naman sila ng baong pagkain na pangmeryenda at pananghalian sa kanilang pagpasok.Inihahatid-sundo sila ng school bus at pinadadalhan ng pocket money na angkop sa kanilang edad.Dahil hindi naman sapat ang kanilang pera para makabili ng mga bagay na gusto nila, natuto ang aming mga anak na mag-ipon at maging “wais” sa paggasta. Ikinukuwento nila na may mga kaeskuwelang natutong maging maparaan para magkaroon ng kahit kaunting kita. Naghahanap sila ng mga basyo ng bote na ibinabalik sa tindahan kapalit ng pera. Natutunan din nilang magtrabaho upang kahit paano ay magkaroo...