Madalas ka bang mamangha sa mga bagay-bagay na iyong nakikita o di kaya nama’y napapanood sa telebisyon? Alam ninyo bang ang pagkamangha ay healthy sa pag-iisip. It’s awesome! Malaking tulong ito sa health ng ating brain. Bukod pa riya, nakatutulong din itong maging mabuti ang ating pag-uugali. Ito ang patunay riyan.
Ayon sa mga eksperto, ang mga nakalalaglag-pangang mga bagay
o sandali ay kayang pahintuin o pabagalin ang takbo ng oras. Ang konsepto ng “awe
therapy” ay inilalaan para matalo ang epekto ng stress na ating madalas makuha
sa mabilis na takbo ng ating mundo.
Sa panahon natin ngayon, ang oras ay napakahalaga, lalo na
sa mga taong laging hectic ang schedule. Iyun bang kaliwa’t kanan ang
appointment na tinalo pa ang mga artista at VIP sa rami ng dapat gawin. Dahil
dito, isinusugal nila ang kanilang kalusugan at pakikitungo sa kanilang mahal
sa buhay matapos lamang ang kanilang dapat tapusin. Nakaaawa ang ganitong
kalagayan kaya kung ikaw ay isa sa kanila, dapat lang na basahin mo ito.
Ang awe o paghanga ay isang emosyon na ating nararamdaman sa
tuwing tayo ay nakasasaksi ng isang bagay na malawak o naka-o-overwhelm. Ang
emosyong ito ay may kakayahang palitan ang mental perspective ng isang
indibidwal. Halimbawa, ay ang mga makalaglag-pangang tanawin ng Palawan na
itinuturing ng paraiso ng mga banyaga.
Sa bagong pag-aaral, nalaman ng mga searcher na sa
pamamagitan ng pagpopokus ng isip sa kasalukuyang nagaganap, ang pagkamangha ay
tila napababagal ang oras. Ang mga nagboluntaryo para sa pagsusuring ito ay ay
nagsasabi na sa tuwing nararanasan nila ang paghanga sa isang bagay, pakiwari
nila ay marami pa silang oras para gamitin. Kaya naman, mas nagiging kampante,
less materialistic at mas willing silang magbigay ng oras upang makatulong sa
kanilang kapwa. Bukod pa rito, nakapagbibigay din ang pagkamangha ng
panandaliang lakas para ma-appreciate ang buhay.
Hindi mo kailangan pumunta sa isang lugar na may magandang
tanawin upang makaranas ka ng pagkamangha. Ito ay maaari mo ring makuha o
maramdaman habang ikaw ay nagsasariwa ng magagandang alaala, pagbabasa ng
maikling kwento o pati na rin ang panonood ng 60 second commericial.
Dagdag pa ng mga sikolohista na ang pagkakaroon ng “awesome”
experiences araw-araw ay maaaring makatulong para ma-improve ang ating
pag-iisip at upang tayo ay maging mas mabuting tao.
Source: Bulgar credits to: Kenneth Joy Carino
Comments
Post a Comment