Mayroong survey na isinagawa at napatunayan nito na 70 posyento ng mga kalalakihan ay nagsasabing mas madaling alagaan ang kanilang kotse kaysa sa kanilang health o kalusugan.
Maraming mga lalake na kapag nakararanas na ng mga sintomas
ng sakit ay pinagsasawalang bahala ito at hindi man lang magawang bumisita sa
kanilang doktor sa loob ng anim na buwan hanggang umabot ang taon para sila ay
magpatingin.
Nakakatakot ang statistic na ito ayon kay Scott Williams,
ang bise presidente ng Men’s Health Network. Lalo na’t may mga sakit naman na
pwedeng pagalingin bago pa man ito lumala kung ikaw ay maagap na komukunsulta
sa iyong doktor.
Nagsagawa ang MHN kasama ng Abbot Laboratories ng isang
national online survey. Ito ay sinalihan ng 501 lalake, mga edad 45 hanggang 65
at 501 ng kanilang partner para malaman kung gaano kaagap ang mga lalaki sa
kondisyon ng kanilang kalusugan.
Pinatunayan lang ng survey na ito na ang mga lalaki ay “in
denial” sa tuwing sila ay mayroong nararamdamang sintomas ng sakit sa kanilang
katawan.
Ayon pa kay Williams, may kinalaman kasi ang social values
sa ganitong pag-uugali ng mga lalake. Na kailangan ang isang lalake ay
manatiling malakas o matapang sa tuwing sila ay nasusugatan. Tulad ng itinuturo
ng mga matatandang lalake sa mga batang lalake na “ Huwag kang iiyak kapag ikaw
ay nasugatan, walang lalaking umiiyak”
Iminumungkahi ng MHN na maging maagap sa kalusugan para bago
pa lumala ang sitwasyon ay malunasan na kagad ito. Mahalaga rin ang papel ng
mga kababaihan. Higit sa 40 babae na tumugon sa survey ang nag-aalala sa
kondisyon ng kalusugan ng kanilang mga asawa. 56 porsyento naman ng mga babae
ang mas nag-aalala sa kanilang partner kaysa sa kanilang sariling kalusugan,
ito ay ayon sa FoxBusiness.
Ayon kay William, iyan ay sapagkat ang mga babae ay responsible
pagdating sa usapang pangkalusugan ng kanilang mga mahal sa buhay o ng kanyang
pamilya. At gagawa kaagad sila ng hakbang para masolusyonan ang isang problema kumpara
sa mga lalake.
Source: medicmagic
Comments
Post a Comment