Maraming uri ng estilo ang maaari nating gawin sa ating buhok at ang isa na nga rito ang Hair Braiding. Pero alam ninyo bang may masamang epekto ito sa ating buhok? Ito ay maaaring magdulot ng pagkapanot sa katagalan.
Popular na estilo sa buhok ang hair braiding sa iba’t ibang panig
ng daigdig. Ngunit binigyang diin ng mga eksperto na ito ay maaaring maging
sanhi ng permanent balding pattern.
Isang pag-aaral ang isinagawa sa South
Africa at inilathala sa British Journal of Dermatology- ito ay tinugunan ng
higit kumulang 2,000 bata’t matanda na may ganitong uri ng hairstyle. At
napatunayang, na ang hair follicles ay na exposed sa braid sa matagal na
panahon ay masisira at hindi na ito pwede pang maipanumbalik.
Natuklasan din ng mga ekperto na higit sa 1 sa 7 bata at
tatlo sa mga matatandang babae ay nagkaroon ng traction alopecia, isang uri ng
pagkalagas ng buhok dulot ng presyon.
Sabi ni Dr. Nonhlanhla Khumalo, na nagsagawa ng pag-aaral,
sa balitang hatid ng Fox News - na ang
traction alopecia ay pangkaraniwan na sa mga babae at bata. May significance
correlation ang estilo ng buhok tulad ng hair braiding sa pagkalagas ng buhok
ng isang tao.
Isang magandang estilo nga sa buhok ang hair braiding pero
ito ay nagdudulot ng permanenteng pagkalagas ng buhok at ito ay malaking epekto
sa self-confidence ng isang tao. Madalas kasi kapag napapanot na o nakakalbo na
ang isang tao ay tampulan na sila ng tukso at katatawanan.
Bukod pa sa pagkalagas ng buhok, ayon sa mga dermatologist
ng Clevelend Clinic, maaari ding magdulot ng bacteria ang mga bukol at umbok sa
anit na resulta ng presyon sa buhok.
Kaya kung takot kang malagas ang iyong buhok, mas mainam na
pangalagaan mo ito. Marami namang estilo sa buhok bukod sa hair braiding na
simple ngunit may dating din naman sa mga nakakakita.
Source: medicmagic
Comments
Post a Comment