Hindi maiiwasan ang pakikipagtalo. Maaaring ang dahilan nito ay mga salungat na opinyon. Ang iba nama’y mga nakakapikon na talakayan na nauuwi sa isang dibdibang argumento at kung sa kamalas-malasan ay pagiging bayolente ng magkabilang panig. Ito ang ilang tips para ma-kontrol mo ang iyong sarili na maging bayolente sa harap ng isang pagtatalo o argument.
Kontrolin ang “fight o flight” na reaksyon. Unang reaksyon
sa isang mainit na sitwasyon ay tipikal na agresibong reaksyon. Ang parehong
reaksyon ang magpapalala sa tensyon.
Tanggapin ang anumang damdamin ng ibang tao. Ang isang
napahiyang tao ay madalas niyang isipin na estupido kaya naman depensibo siya
at ipagtatanggol ang sarili. Ang matanggap ang damdamin ng tao at pananaw ay
makatutulong para ma-establisa ang kampante at may rasong resolusyon.
Magsalita nang malumanay, matatag na boses, higit na lalala
ang sitwasyon kapag nakipagsigawan.
Ilabas o iboses ang anumang nasa isip. Huwag ibaling ang
usapan sa paninisi sa mga salita at ginagawa ng tao o dama mong dapat niyang
gawin. Sabihin kung ang sadyang nadarama hinggil sa sitwasyon.
Makipagkompromiso. Pilitin ang ibang tao na tumugon sa iyong
mga kahilingan para madetermina at mahukay ang damdamin niya. Sikaping
makasunod sa pag-uusap ang tao.
Source: Bulgar credits to: Nympha Miano-Ang
Comments
Post a Comment