Paboritong prutas ang mangga. Pero sa kabila ng masarap nitong lasa at nutrisyon na maaaring makuha rito ay pwede rin itong pagmulan ng isang kakaibang allergy. Ito ay kung tawagin ay Mango Hypersensitivity.
Mayroon ng 10 kaso na iniulat mula sa iba’t ibang panig ng
mundo sa lumipas na taon. Isa na riyan si Sunneta Rawat, edad 46, na nagpagamot
sa Vallabhbhai Patel Chest Institute at the University of Delhi India matapos
mapag-alaman na siya ay mayroong hypersensitivity type 1.
Nagtungo si Sunneta sa ospital nang siya ay makaramdam ng
reaksyon 15 minutos matapos ang pagkain niya ng mangga. Hindi lang pag-ubo at
hirap sa paghinga, namaga rin ang kanyang labi at ang paligid ng kanyang mga
mata at namula ang buo niyang katawan.
“ Ang Polyps at Cysts ay maaaring madevelop pagkatapos kang
kumain ng mangga” – ayon kay Dr. Ashok Shah, isang professor ng respiratory
specialist sa Vallabhbhai Patel Chest, mula sa ulat ng Daily Mail.
Idinagdag pa niya, kakaiba ang allergy na mararanas mula sa
pagkakaroon ng Mango Hypersensitivity. Kapag umatake ito sa iyo ay pwede mo
itong ikamatay sapagkat maaaring makasira ito sa tissue ng ating katawan.
Sa ibang pasyente, ay may inulat nang kaso na sila ay
nagkaroon ng ganitong kondisyon matapos lamang silang madikit sa puno ng mangga
at kumain ng mga mangga na nasa lata.
Source: medicmagic.net
Comments
Post a Comment