Hindi dapat na mag-alala ng husto ang mga taong may diagnosis ng pre-diabetes phase. Hindi pa naman huli ang lahat para sa kanila. Dahil marami pang preventive measure na pwedeng gawin para maiwasan ang paglala ng diabetes. Ito ang mga paraan:
Magbawas ng timbang. Ugaliin at dalasan ang pag-eehersisyo.
Ayon sa pag-aaral ng Centers of Disease Prevention and Control, 5 hanggang 7
porsyento ng mga taong nasa pre-diabetes phase na nagbawas ng kanilang timbang
ay hindi na lumala pa ang kondisyon tungo sa type 2 diabetes. Ayon pa sa Fox News,
nakatutulong ang exercise at iba pang physical activities para pababain ang
glucose at magprodyus ng insulin. Magsimula sa paglalakad.
Maging mapili sa kinakain at mag-dyeta. Magsimula sa mga
pagkain na low-fat, low sugar at low sodium. Imbes na kumonsumo ng mga carbohydrate
rich food gaya ng white at tinapay ay palitan ito ng mga pagkain na mayroong
complex carbohydrate gaya ng brown rice at wheat bread. Bawasan mo rin ang mga
pagkain ng mga pritong lutuin. Imbes na prito, subukan mo ang mga nilagang
pagkain, pinakuluano iyong mga baked food. Siguraduhing balanse ang iyong
nutritional intake.
I-monitor palagi ang iyong blood pressure at kolesterol.
Mataas sa cholesterol at nakararanas ng hypertension ang mga taong nasa
pre-diabetes phase lalo na ang nasa type 2 diabetes. Gaya bago lumala at
magkaroon ng komplikasyon ay siguraduhing ang blood pressure ay hindi lalagpas
ng 130/80 mmHg.
Huminto sa paninigarilyo. Daragdag lang ang sigarilyo sa
toxin na pumapasok sa loob ng katawan. Kaya ihinto na at umiwas na sa bisyong
ito.
Source: medicmagic.net
Comments
Post a Comment