Like na like ng kids ang mga aso, isa ito sa paboritong pet ng mga bata. Kaya’t bilang magulang ay tungkulin mo rin na sila’y maging safe sa kanilang alagang aso at tiyaking maalam sila kung paano aalagaan ito. Heto ang ilan sa tips para maging safe ang bata sa kanilang alagang aso:
Humingi ng permiso sa may-ari. May tsansa na maging agresibo
ang aso lalo at delikado na kaharap ang mga bata. Sabihin ang paslit na
magpaalam muna sa may-ari ng aso bago batiin o himasin.
Ilahad ang palad na mas mababa sa nguso ng aso para maamoy
niya muna ito at kapg okey ang ganito ay ipagaya mo ito na gawin ng paslit.
Hintayin ang aso na lumapit nang malumay sa inyo o sa bata.
Huwag kayo ang unang lalapit. Kung ayaw nang aso na lumapit. Huwag siyang
lapitan.
Tingnan sandali sa mata ang aso at saka tumingin sa malayo.
Ayaw kasi ng aso na siya ay tinitignan ng matagalan at diretso sa kanyang mga
mata dahil para itong pagbabanta. Ang paglayo mo bigla nang tingin ay
nakapagpapanatag sa kanya.
Hayaang himasin ng paslit ang aso sa likuran o dibdib at
hindi sa ulo at kung ang aso ay tumihaya at saka siya himasin nang mahinahon,
gusto niya iyon.
Punahin ang kilos ng katawan ng aso at may ilang senyales na
hindi siya komportable. Kapag umangil ang aso ay huwag nang palapitin ang
paslit bagkus ay mahinahong kausapin ang alaga.
Source: Bulgar credits to: Nympha Miano-Ang
Comments
Post a Comment