Ikaw ba ay nagbabalak na magtayo ng isang Electronic Repair Shop? Sa dami ng mga naglalabasang electronic products ngayon sa merkado, tila hindi na dapat pagdudahan pa na isa sa in-demand ngayon na negosyo o trabaho ang pagiging electronic repair technician. Dahil dito, masasabing isa sa patok na negosyo ngayon ang Electronics Repair Shop.
Magkagayunman, hindi isang madaling trabaho ang electronic repair. Hindi naman kasi ito basta may puhunan ka lang ay pwede na. Sapagkat nangangailangan din ito ng kaukulang training para makapagsimula. Kung sapat na ang iyong kaalam o kung ikaw ay mayroon ng sertipiko sa bokasyon na may kinalaman sa electronic repair ay ito ang ilan sa mga tips para makapagsimula ng negosyong ito:
Una sa lahat, mahalaga ang pagkakaroon ng isang pwesto kung saan ay magiging komportable ka sa pag-rerepair mo. Dapat ay may sapat na liwanag at well-ventillated ang lugar. Pati na dapat ay gumaganang maigi lahat ng electrical outlet.
Pangalawa, kumuha ng kaukulang business permit kung kinakailangan sa lugar na pagtatayuan ng iyong negosyo.
Pangatlo, Siguraduhing mayroon kang sapat na mga kagamitan ( electronic repair tools and testing equipment) para sa iyong electronics repair business
Pang-apat, mahalaga rin na mayroon kang suking supplier sa kung sakaling magkaroon ng depekto ang mga electronic tools mo ay madali kang makakahanap ng pagpapalitan. Kaya naman mahalaga na mayroon kang contact sa mga subok at mapagkakatiwalaang supplier. Doon ka rin sa suki mong supplier na maaari kang maka-diskwento.
Pang-lima, Hindi sapat lang na may alam ka sa pag-rerepair. Sa laki ng kompetisyon ngayon sa negosyong electronics repair ay kinakailangan mo ng additional training para lalo pang mag-enhance ang skill mo sa pag-rerepair. Maging pamilyar sa pagkukumpuni din ng sirang mga gadget gaya ng MP3, celfone, tv, DVD players, computers, home appliances, at iba pang electronic machineries.
TIPS SA PAG-MAMARKET NG ELECTRONICS REPAIR SHOP BUSINESS
Ito naman ang ilan sa mga marketing tips para makilala ang iyong negosyo:
- Mamigay ng flyers, brochures, o magpaskil ng banner posters malapit sa lokasyon ng iyong negosyo.
- Mamigay ng freebies at diskwento.
- Magpa-anunsyo sa mga dyaryong lokal
- Magpa-anunsyo rin sa mga local radio station
- Magpa-anunsyo sa mga local website o blogs sa pamamagitan ng web banners tulad ng nakikita mong mga ads sa blog na ito.
- Gumawa ng website na targeted for local consumer
source: businessdiary.com.ph
image source: pbase.com
Comments
Post a Comment