Isa sa paboritong minatamis ng mga Pinoy ang Bukayo. Ito ay gawa sa sariwang buko at hinaluan ng pulang asukal, ang resulta- isang masarap at matamis na pamutat.
Maganda rin itong ipang-regalo sa iyong mga kapamilya o
kaibigan. Lalo na sa mga turista, kaya naman isa rin itong magandang extra
income para sa mga naghahanap ng iba pang pagkakakitaan.
Ano-ano ang mga sangkap ng Bukayo:
2 piraso ng coconut, ginayad ang laman
Dahon ng pandan
1 kg ng pulang asukal
2 tablespoon ng vanilla extract
Sariwang sabaw ng buko
All purpose flour o cornstarch
Paano ito gagawin?
- Ilaga ng magkasama ang sabaw ng buko, asukal na pula at dahon ng pandan hanggang sa matunaw ang asukal at mangapal.
- Idagdag ang vanilla extract. Tanggalin ang dahon ng pandan.
- Lutuin ang ginadgad na coconut sa isang kawali na may kaunting mantika hanggang sa ito’y magkulay brown.
- Magdagdag ng syrup at pakapalin gamit ang kaunting flour o cornstarch na tinunaw sa tubig
- Patuloy na haluin hanggang ang syrup ay kumpletong kumapit sa graded coconut, kapag nangapal na ang mga pinaghalong sangkap at ang bukayo ay naluto na
- Kapag luto na, ilipat ang bukayo sa isang mangkok. Ibilog ito habang mainit pa. Gumamit ng plastic wrap o wax paper para hindi ka mapaso sa mainit na mixture.
Paborito mo ba ang bukayo? Luto na at gawin mo na rin itong
paraan para kumita ng extra pera.
Source: Businessdiary
Comments
Post a Comment