Maigi ang pagpapagupit ng buhok kada dalawang buwan para maging masigla at matibay ang iyong buhok (hair). Hindi naman kailangan na gupitin ito o iklian ng todo, maigi na iyong kahit na gupitin mo lang ang dulo ng iyong buhok para sa paglago nito.
Ang paggugupit ng buhok ng regular ay nagpapatibay sa buhok
at iniiwas pati nito ang ating buhok sa pagsanga-sanga nito.
Ayon sa American Acamedy of Dermatology, ang sapat na
paglago ng buhok ay 0.5 hanggang 1 pulgada kada buwan. Pero may mga pagkakataon
na ang ugat sa ating buhok (mga 15
porsyento o higit pa) ay nakararanas ng mabagal na paglago na nagdudulot ng
pagkalagas ng buhok.
Sa estimasyon ng paglalago ng buhok, tinatayang mayroon sa
tatlong buwan, na walang aktibidad ang nagaganap sa ating hair follicle. Ang
ibig sabihin lamang nito ay mayroong pagkakataon na walang nagaganap na paglago
sa buhok ng ating anit. Sa tamang pagpapagupit ng buhok kada 2 buwan ay
nakatutulong para panatilihin ang paglago ng buhok.
Ang iba ay nakararanas ng paglalagas ng buhok halos sa
araw-araw ng kanilang buhay maaaring dulot ito ng mga pinsala sa buhok o normal
lang na proseso. Tinatayang sa normal na kondisyon, ang isang tao ay
makararanas malagasan ng 50 hanggang 100 buhok araw-araw.
Sinasabi ng HowStuffWork na ang buhok na hindi ginugupit ay magpapatuloy
na lumago sa tantsang 2
hanggang anim na taon depende sa katangian ng buhok.
Kapag lagpas na ng anim na taon, hindi na ito lalago o hahaba pa o mamatay na
lamang.
Isa pang paraan para maging masigla ang buhok maliban sa
paggugupit ng dulo nito kada 2 buwan ay ang pagkain ng mga masusustanya sa
protein tulad ng meat, itlog at soya na makatutulong sa pagpapatibay ng cells
sa ating katawan. Ang mga supplement na may sangkap na vitamin E and D ay maigi
rin sa pagpapatibay at pagpapalago ng buhok.
Ang buhok ay binubuo ng tatlong layer. Ang una ay
pinapagtibay ng amino acid, ito ay iyong cuticle stage. Ang middle layer naman
ay binubuo ng protein na kung tawagin ay crust. At ang huli ay medulla na hindi
naman nakikita sa mga buhok na maninipis o blond.
Binubuo ng amino acid at protein ang 91 porsyento ng buhok. Kaya’t
ang paggugupit ng buhok kada 2 buwan ng regular ay nakatutulong para tumibay ang buhok at hindi
magsanga-sanga.
Source: medicmagicdotnet
Comments
Post a Comment