Isang malaking hakbang para sa relasyon ang magsama sa iisang bubong o ang mag-live-in. Ito ay commitment sa inyong dalawa na kayo ay magsasama kahit hindi pa kayo kasal. Ang epekto o mga kahaharapin ng ganitong uri ng pagsasama ay mahirap tukuyin sapagkat bawat sitwasyon ng isang relasyon ay magkakaiba. Ang kasagutan kung may dulot bang maganda ito para sa inyong relasyon ay nakadepende kung hanggang saan ang kaya mong isakripisyo at kung handa ka bang kaharapin ang mga pagsubok ng inyong relasyon.
Good Side Of Living-in Together
magandang dulot ng pagli-live-in
Ang ilan sa magandang idudulot ng pagli-live-in ay
paghahanda sa hinaharap. Malalaman mo kung karapat-dapat ba siyang pakasalan o
hindi. Sa pagli-live-in ay matutuklasan ninyo pareho ang inyong pagkakaiba at
kung hanggang saan ang kaya ninyong baguhin para mapatatag ang inyong relasyon.
Kung tanggap mo na siya at sanay ka na sa kanyang pag-uugali sa tagal ng inyong
pagli-live in ay pwede mo ng masabing karapat-dapat ng pakasalan ang taong ito.
Ang pagli-live-in ay isang magandang opurtunidad para mas lalo
ninyong makilala ang isa’t isa lalo’t iyong bad habits o mga hindi magandang
katangian ng iyong kinakasama. Hindi ba’t mas maiging ngayon pa lang ay
matuklasan mo na ito kaysa magsisi ka sa huli na nagpakasal ka kaagad sa taong
hindi mo pala kayang tanggapin ang kanyang hindi magandang karakter.
BAD SIDE Of Living-In Together
hindi magandang dulot ng pagli-live-in
May ilan mang mabuting dulot ang pagli-live-in, nawawalan
naman ng saysay ang kahulugan ng kasal kung saan sana iyon ang unang hakbang
para makilala ninyo ang isa’t isa bilang mag-asawa. Kumbaga, wala ng excitement
pa sapagkat nakilala ninyo na ang isa’t-isa sa pagli-live-in ninyo together.
Isa pang masamang kahihinatnan ng ganito ay iyung isa aasa
na lamang kung darating pa ba ang oras na yayayain pa ba siyang magpakasal o
hindi na. Sapagkat sa pagli-live-in ninyo pa lang ay komportable na kayo.
At aminin na natin na ang pagli-live in ay hindi tanggap ng
anumang relihiyon sapagkat ito ay sumasaliwa sa aralin ng simbahan na dapat ay
kasal muna ang dalawang tao bago sila magsama sa iisang bubong.
Source: bestlovetips.com
Comments
Post a Comment