Hindi lang pagkain o sangkap sa pagluluto ang mga ito kundi nakapagbibigay buhay at sigla rin sa ating buhok. Kaya’t kung humahanap ka ng mga simpleng paraan para magkaroon ka ng long and shiny hair ay subukan mo ang mga pagkain na ito.
Mayonnaise
Maglagay ng isang dakot sa iyong buhok at iwan
ng 10 hanggang 15 minutos. Pagkaraa’y banlawan na. Pwede ka ring magsuot ng
shower cap o kaya’y takpan ang buhok ng tuwalya para lalong mapagbuti ang
kondisyon ng anit. Sa pamamagitan nito ay kikintab at lalambot ang iyong buhok.
Suka
Magandang conditioner ang suka sa buhok at dahil na
rin sa matapang na amoy nito ay pwede rin nitong itaboy ang pagdami ng mga kuto
at lisa.
Olive Oil
Isang magandang conditioner din ito lalo na sa
mga taong may problema na sa buhok gaya ng pagkapanot o pagkakalbo. Pinatitibay
kasi nito ang buhok laban sa paglalagas. Isang beses isang linggo ay subukang
mag-apply ng olive oil sa iyong anit.
Source: tips4me.com
Comments
Post a Comment