Lahat tayo ay nakaranas na ng pagkabalisa, pagka-iritable, at depresyon minsan sa ating buhay. Pero mayroon namang mga paraan para makaranas ng good mood upang labanan ang mga ganitong pakiramdam. Pwedeng kumain ng mga pagkain na ito na tiyak, matapos mong kainin ay makapagbibigay na sa iyo ng magandang epekto sa iyong pakiramdam.
Fish Oil. Ang omega 3 fatty acids na makikita rito ay mabuti
sa puso at sa pagpapabuti ng iyong pakiramdam o mood. Ayon sa pag-aaral na
isinagawa sa University of Pittsburgh School of Medicine, ang mga taong may
mababang dami ng omega 3 fatty acids ay madalas na makaranas ng depresyon at
pagiging negatibo.
Tsokolate. Madalas ang pagkain ng tsokolate ng isang taong
nais magkaroon ng good mood. Hindi naman masama ito. Maraming chemical content
ang pagkain na ito na nakalalaban sa kalungkutan, mayroon itong magnesium para
ikaw ay ma-relax, nakakapawi naman ang anandamide at kaginhawahan sa pakiramdam
naman ang hatid ng phenylethylamine.
Marmite. Ang mga pagkain na mayaman sa Vitamin B gaya nito
ay nakapag-aalis ng balisa, lungkot, stress at depresyon. May importanteng
tungkulin ang Vitamin B para sa normal function ng ating utak at nagpo-prodyus
din ng serotonin para umiigi ang ating mood. Maigi ang pagkain na ito lalo’t sa
mga vegetarian.
Saging. Mayaman sa natural na sugar at nakapagpapalakas ng
enerhiya ang prutas na ito. Mayroon itong tryptophan, isang essential amino
acid na nagpapadami ng serotonin na siya namang nagpapabuti sa ating
pakiramdam. Mayaman din ang saging sa magnesium para sa relaxation at vitamin
B6 para labanan ang depresyon.
Mani. Maigi rin sa pagpapabuti ng pakiramdam ang mani
sapagkat mayroon itong kombinasyon ng omega 3 fatty acid, vitamin B, at
tryptophan. Ang bean naman ay mayaman sa folic acid (vitamin B9) na nagpapababa
sa level ng depresyon.
Source:medicmagic.net
Comments
Post a Comment