Para maibsan ang sakit o pain, mas mainam na sumubok ng mga natural na lunas mula sa mga natural na materyal. Tingnan mo ang iyong kusina sapagkat ang ilan sa aming tinutukoy ay baka naroon lamang.
Ang pagkain ng saging ay pwedeng gamot sa heartburn sapagkat
pinapababa nito ang produksyon ng stomach acid. Ang mga materyal na ito syempre
pa ay walang epekto sa tungkulin ng ating atay. Paano naman sa sakit ng ngipin
o di kaya nama’y migraine. Anu-ano ang mga natural substances na pwedeng lunas
sa ganitong problema.
Ito ang listahan ng mga natural na paraan para makaiwas sa
iba’t ibang uri ng pain:
Kung takot kang magtungo sa iyong dentista para magpatingin
ng sakit sa iyong ngipin o temporaryo lang naman ang sakit ay pwede kang
ngumuya ng sibuyas. Dalawang oras ang itatagal ng bisa nito sa sakit ng iyong
ngipin at pati na rin sa iyong namamagang gilagid. Mayroon kasi itong eugenol,
isang natural compound mula sa langis ng sibuyas na gamot na nakakapatay ng mga
bacteria na nagdudulot ng toothache.
Para naman solusyonan ang migraine ay hindi mo na
kinakailangang lumunok ng mga mapapait na gamot mula sa botika sapagkat may
natural na paraan para dito tulad ng pagkain ng oatmeal at almond na mayroong
magnesium. Maigi din ang green tea na isang antioxidant na mabuting
anti-inflammatory kapag mayroong inflammation na nagaganap sa blood vessel na
pwedeng maging sanhi ng migraine. Pwede kang uminom ng isang tasa ng green tea
kapag may migraine ka dahil ang caffeine content nito ay nakakapagpahupa ng
sakit.
At kung may abdominal pain ka naman ay mabisa ang saging.
Huhupa ang sakit sa pagkain ng saging ng 30 minuto. Kaya rekomendado na kumain
ng saging araw araw para sa iyong diyeta.Pinoprotekhan din ng pagkain ng saging
ang ating tiyan sa pagdami ng mga labis na acid at nagpapababa sa produksyon ng
stomach acid.
Source: medicmagic.net
Comments
Post a Comment