Mahaba ang listahan ng rules and regulations na dapat sundin sa loob ng opisina. Isa sa mga dapat isipin ay ang dapat at hindi dapat na gawin sa loob ng office bathroom. Ito ang ilan sa mga etiquette na dapat alam mo kapag nasa washroom ka ng inyong opisina.
Mga Dapat Gawin
Itapon sa basurahan ang tissue na iyong gagamitin, punasan
ang mga tilamsik ng iyong ihi sa upuan ng kubeta. Sino ba namang gustong
gumamit ng kubeta na madumi at hindi man lang nai-flush ng huling gumamit nito? Kaya’t matutong magflush at mag-imis ng kalat bago mo ito iwan sa susunod na
gagamit.
Maghugas ng kamay. Alam mong nakadidiri na makakita ng taong
lalabas sa banyo na hindi man lang naghugas ng kanyang kamay. Maiisip mo tuloy
kung sinong malas na tao ang makikipag-shake hand sa tao na ito, pati na rin kung
anong pagkain ang kanilang hahawakan at kakainin ng hindi man lang naghugas ng
kanyang kamay. Kaya ang moral lesson dito, maghugas ng kamay pagkatapos mong
gumamit ng banyo.
Mga Hindi Dapat Gawin
Kung alam mo nang may susunod na gagamit o pila-pila na sa
labas ng washroom kung saan nandun ka pa ay iwasan mo nang maging makupad.
Ikonsidera mo na may susunod pang gagamit ng banyo hindi lang ikaw kaya iwas
iwasan mo na ang pagme-make-up ng matagal at pagpapaganda.
Kung magsusuklay ka sa loob ng washroom sa office ninyo ay
siguraduhing walang mga hibla ng buhok na nagkalat. Nakadidiring makita ito ng
susunod na gagamit.
At ang huli, huwag magtsismisan sa loob ng banyo. Iwasang
pag-usapan ang kasungitan ng boss mo, ang bagong pasok na empleyado lalo’t pogi
o maganda, o di kaya nama’y iyong mga empleyado na inyong nilalait. Iwasan ito
dahil hindi lang upang huwag ninyong paghintayin ang susunod na gagamit kundi
pati na rin upang makaiwas na kayo ay mahuli sa akto.
Source: tips4me.com
Comments
Post a Comment