Sa pagsisimula ng isang negosyo, importanteng hakbang ang pagkuha ng business permit at lisensya. Para maging legal ang iyong pag-nenegosyo, may ilang government agencies ang kailangan mong puntahan depende sa uri ng negosyong iyong papasukin.
Una na riyan ang Department of Trade And Industry. Sa kanila
mo ipare-rehistro ang pangalan ng iyong negosyo. May mga regional at provincial
branches ang DTI. Importanteng ipa-rehistro mo sa kanila ang pangalan ng iyong
negosyo upang magkaroon ka ng eksklusibong karapatan dito. Required para sa mga
single proprietor ang gawin ito at opsyonal naman para sa isang partnership
business at korporasyon.
Pwede ka ring mag-apply online ng iyong business name.
Magtungo lamang sa bnrs.dti.gov.ph
Dapat namang magtungo ang isang partnership at corporate
business sa Securities and Exchange Commission. Para ito’y maging legal at
judicial entity. Ang website nila ay
sec.gov.ph
Kailangan mo ring mangalap ng kaukulang permiso mula sa
inyong lokal na pamahalaan para makasigurong ang iyong negosyo ay sumunusod sa
kinakailangang batas sa pagnenegosyo. Iba’t iba ang paraan ng bawat lokal na
opisyal sa pagsasagawa nito.
Lahat naman ng business enterprise ay kinakailangan na naka-rehistro
sa BIR para sa taxation. Gagawa sila ng business tax identification number para
sa iyong negosyo at magbibigay ng permiso para ikaw ay makapag-print ng resibo,
invoices atbp.
Para naman sa mga benepisyo para sa iyong mga empleyado ay
dapat na makipag-ugnayan ka sa Social Security System o SSS.
Kapag ang isang negosyo ay mayroong limang empleyado pataas,
ay hinihikayat ang mga negosyante na magtungo sa Department of Labor and Employment
o DOLE para ma-monitor kung ikaw ay tumutupad sa batas ng pangangalaga sa iyong
mga empleyado. Required naman ito sa mga firms na mayroong 50 trabahador
pataas.
Source: businessdiary.com.ph
Comments
Post a Comment