Ang pagkawala ng alagang hayop ay tulad rin sa pakiramdam ng pagkawala ng isang anak. Kung nangyari ito sa iyo at sa iyong pet ay nararapat ang isang agarang aksyon. Ito ang ilang tips kung anu-ano ang mga dapat mong gawin kapag nawala ang iyong alagang hayop at kung paano mo sila mare-recover.
Mag-anunsyo sa diyaryo at sa iba pang publication company.
Ilagay mo ang deskripyon ng iyong lost pet doon at pati na rin kung paano ka
makokontak.
Kung nakatira ka sa isang campus o sa isang subdivision ay
magpaskil ka sa community bulletin board o sa mga lugar kung saan pwede kang
magpaskil ng anunsyo.
Pwede mo ring gamitin ang social networking sites sa
pag-aanunsyo sa nawawala mong alagang hayop tulad ng iyong facebook at twitter
para na rin sa kaalaman ng iyong mga kaibigan,kamag-anak at iba pang kakilala.
Gumawa ka ng flyers at humingi ng permiso kung saan mo ito
pwedeng ipamahagi. Maaaring ito ay sa iyong mga kapitbahay, veterinary clinic,
grocery store, shopping areas o maging sa bulletin board ng iyong paaralan.
Ipag-alam mo rin ang pagkawala ng iyong pet sa mga local
shelter at city shelter. Bigyan mo sila ng deskripsyon at contact information.
Regular mo silang tawagan para alamin ang mga nangyayari na sa kanilang
paghahanap.
Tanungin mo rin ang mga tanod sa iyong baranggay pati na rin
iyong mga nagbibisekletang newspaper boy,balot vendor at iyong mga taong
naglalakad-lakad kapag sila ay nagtatrabaho.Sila itong mga taong posibleng
makakita sa iyong nawawalang alaga.
Hindi mo alam kung saan pwedeng magtungo ang iyong alaga.
Kaya’t subukan din silang hanapin sa mga di pangkaraniwang lugar tulad ng
paradahan ng sasakyan, abandunadong lugar malapit sa inyong bahay at iba pa.
Wala nang hihigit pa na mahalagang gawin kundi ang maiwasan
ang ganitong mga pangyayari. Maging maagap ka sa paglalagay ng pagkakakilanlan
sa iyong alaga, pwede mo itong ilagay sa kanyang collar o isukbi sa kanyang
leeg. Ang pagkakakilanlan ay dapat na maglaman ng impormasyon kung saan dapat
na kontakin ang amo nito.
Source: tips4me.com
Comments
Post a Comment