Skip to main content

Tips Sa Paggawa Ng Business Card



Huwag mong maliitin ang bisa ng 2.5 x 3.5 piraso ng card na bitbit mo sa iyong wallet. Ang sinasabi ko ay iyong business card na madalas na ipagsawalang bahala sapagkat isa pa rin ito sa mabisang marketing tool para sa mga entrepreneur na gaya mo.


Iyong mga maliliit na impormasyon o detalye na nilalaman ng iyong business card ay malaking bagay para sa iyong target na kliyente o mga potensyal mong customer-  sa pamamagitan nito ay magkakaroon sila ng ideya kung ano ang ino-offer ng iyong kompanya. Mas madali kang matatandaan ng mga prospect mo dahil sa malikhaing ideya na naka-detalye sa iyong business card. Naka-depende rin sa kung paano mo dinesenyo kung ito ay itatago o itatapon lang ng iyong pagbibigyan.

Ang business card ay hindi lang isang calling card, na madalas ganito ang tawag ng ilan dito. Ito ay card kung san nagbibigay ito ng detalye tungkol sa iyong negosyo.Ito ay maituturing na mini-corporate brochure o mini-product brochure na puwede mong ilagay sa iyong wallet,  purse, bulsa ng iyong damit kahit kailan, kahit saan, puwede rin itong double purpose sa iyong prospect- puwede itong maging wallet size ad o maging discount card.

Madali mo itong maibabahagi sa mga meeting o conference at sinumang makatatanggap nito ay madali nilang mailalagay sa bulsa hindi tulad ng leaflets, flyers o brochure.

Huwag kalimutan na ang iyong magandang business card ay dapat maglaman ng mga mahahalagang impormasyon:
  1. Ang negosyong mayroon ka
  2. Ang serbisyong iyong inaalok
  3. Tag line
  4. Lokasyon ng iyong negosyo
  5. Litrato ng iyong produkto na inaalok

Karagdagan pa, pwede mong gamitin ang likod ng iyong card para sa iba pang mahahalagang detalye tungkol sa iyong sarili, iyong kompanya at produkto o serbisyo na iyong inaalok.
Source: entrepreneur ph magazine


Comments

Popular posts from this blog

Tips Para Mawala Ang Sinok (HICCUP)

Hindi kaaya-aya sa pakiramdam ang sinukin (HICCUP) lalo’t nasa harap ka ng isang importanteng meeting o di kaya nama’y first time mong maka-date ang iyong nililigawan. Paano ba mawala ang sinok? Heto ang ilang tips para mawala ang ganitong pakiramdam. Pigilan mo ang iyong paghinga hangga’t sa makakaya mong gawin ito. Takpan mo ng iyong mga daliri ang iyong magkabilang tenga at malumanay na pisilin matapos ang ilang minuto. Yumuko sa baywang at uminom ng tubig habang nasa ganoong posisyon. Kumain ng luya. Sumipsip ng hiniwang kalamansi o lemon. Lumagok ng isang kutsaritang suka Mahigpit na takpan ng paper bag ang iyong bibig. Pagkatapos ay huminga at bumuga ng hangin sa loob ng paper bag. Lumunok ng isang kutsaritang asukal at pagkatapos ay uminom ng tubig. Magpuno ng tasa ng tsaa mga hanggang 2/3 ang pagkapuno. Sunod ay maglagay ng nakasaliwang kutsarita. (i.e ang hawakan sa tasa) at uminom ng normal. Magiging abala ka sa kutsara na huwag malaglag sa tasa habang ikaw ay umii

Pamahiin Tungkol Sa Kasal (WEDDING SUPERSTITION)

Punumpuno ng mga superstitious beliefs ang mga pinoy tungkol sa kasal (wedding). Kahit na moderno ang panahon ngayon, marami pa rin ang naniniwala sa mga pamahiin wala man itong lohikal na paliwanag o syentipikong eksplanasyon. Nandun pa rin kasi sa atin 'yung pag-uugali na wala namang masama kung maniniwala kaya kahit ipagpilitan pa ng iyong lolo na ito ay coincident lamang, hindi pa rin ito mawala-wala. Magkagayunpaman, hindi mahalaga ang mga ito. Ang mahalaga ay punumpuno ng pagmamahalaan ang mag-asawa, nagtitiwala at may commitment sa isa't-isa at ang kanilang paniniwala sa basbas ng Diyos na sila ay pinagsama upang maging maligaya habambuhay. Anu't-anuman, narito ang ilang paniniwala na sinusunod magpahanggang ngayon at mga hindi na dahil ang iba ay wala na sa hulog. Hindi dapat na isinusukat ng bride ang kanyang wedding dress bago ang kasal dahil baka hindi ito matuloy.  Ang kutsilyo o iba pang mga matutulis na bagay ay hindi dapat na ipinanreregalo sa ikakas

Seafood Allergy- Tips Kung Anong Dapat Gawin

Ang seafood allergy ay nararanasan ng isang tao kapag ito ay nakakain ng ilang klase ng isda o shellfish at dahil dito ay nagkaroon ito ng reaction sa kanilang immune system at nagdulot ng ilang sintomas ng allergic reaction (rash,hives,pangangati,pamamaga,pagsusuka,diarrhea,pananakit ng tiyan,hirap sa paghinga,pagbaba ng presyon at mawawalan ng malay) at ang seafood daw ay isa sa Top 8 na food allergen kumpara sa soy at milk allergies. Seafood Allergy -Tips On What to Do? Marami sa atin ang nagkaka-allergy sa seafood (shrimp,talaba,lobster,scallops,clams,crabs,squid) subalit, mas marami ang sa shrimp (hipon) at sinasabi na 40% ay may fish allergy (salmon,tuna) at 60% naman ay seafood allergy na nagsisimula sa adulthood. Ang pagkakaroon ng allergic reaction sa ilang muscle protein (tropomycin) na nasa seafood ay posibleng magdulot ng  "anaphylactic shock" kung saan ay biglang  baba ng blood pressure, namamanhid ang dibdib hanggang leeg, namamaga ang lalamunan at dah