Bakit June 12 ang napiling maging selebrasyon ng Philippine Independence Day?
Kung iyong mapapansin, dalawa ang petsa sa araw ng ating kasarinlan, June 12 at July 4. Kung iisipin nating mabuti, hindi naman tayo tuluyang naging malaya matapos ideklera ni Aguinaldo ang ating pagiging independent. Bagkus, naging isang malayang bansa tayo noong July 4, 1946.
Maaaring mapapaisip ka nga kung bakit pero base sa Presidental Proclamation No. 28 na idineklara ni President Diosdado Macapagal, mas magiging makabuluhan ang ating pagdiriwang ng kasarinlan ng ating Inang Bayan kung ito ay ililipat sa June 12 dahil masasalamin dito ang mga paghihirap na dinanas ng mga Pilipino at ang pakikipaglaban na kanilang hinarap makamit lamang ang hinahangad na kalayaan. Mas maisasapuso nga naman ng mga kabataan ang mga bayaning nag-alay ng kanilang buhay para sa ating bayan.
Subalit, mayroon namang ilang nagsasabi na mali ito dahil paano naman daw ang mga nagbuwis ng buhay sa mga kamay ng Amerikano noong Philippine American War?
Holiday Customs
Dahil walang pasok ang karamihan sa araw na ito, isinasagawa ang pagdiriwang nito kasama ng mga kamag-anak. Bilang pagsunod sa batas, ang bandila ng Pilipinas ay dapat nakasabit sa bawat bahay pagsapit ng Mayo 28 na siyang Flag Day hanggang sa ika-30 ng buwan. Mayroon ding fireworks sa Maynila at sa ilan pang panig ng bansa. Ginugunita naman sa Kawit, Cavite ang pagwawagayway ng bandila sa Aguinaldo Shrine habang binabasa ang Philippine Declaration of Independence.
Ang ceremonial proper sa Maynila ay nagsisilbing main highlight ng pagdiriwang at ang sunod-sunod na pag-re-raise ng National Flag ng bansa sa iba't-ibang historical places.
Mula sa pahayagang Bulgar sa kolum ni Denise Visto
Comments
Post a Comment