Maraming tao sa iba’t ibang panig ng mundo ang kinagawian ng uminom ng coffee sa almusal. Kahit pa maraming benepisyo ang makukuha ng katawan mula rito ay hindi rin naman maikakailang mayroon din namang masamang epekto ang kape sa ating kalusugan. Pwede itong maging dahilan ng sleep deprivation at maaari ding makadagdag sa ating calories kung iinumin mo ito na may halong cream. Kaya naman, marami rin sa atin ang nais humanap ng alternatibong inumin na mas mabuti kaysa sa kape para masolusyonan ang pagka-adik nila rito.
Ito ang ilan sa mga inumin na mas maigi kaysa sa kape:
Pumpkin Spice Latte. 300 calories ang makokonsumo mo sa
isang big order ng pumpkin spice latter pero pwede mo itong pababain sa 120
calories lang. Paghaluin lamang ang kape sa vanilla, nutmeg, ground ginger,
cinnamon, 2 kutsarang condensed milk, at 2 kutsarang canned pumpkin na mayroong
antioxidant at fiber.
Mainit na Tsokolate. Bibihira ang tatanggi sa isang tasa ng
mainit na tsokolate. Kaya’t pwedeng pwede itong maging kapalit ng kape mo sa
tuwing almusal. Ang mga chocolate beverage na mabibili sa groceries ay mayroong
320 calories at 9 grams ng fats. Pwede mo itong bawasan sa pamamagitan ng 2
tasa ng gatas, 4 na kutsarang almond na may dark choco powder na antioxidant.
Pagkatapos ay magdagdag ng kalahating kutsaritang ancho chille at kaunting lasa
ng oranges.
Chai Tea. Mayaman sa spices ang tsaa na ito na madali lamang
gawin. 75 calories ang nilalaman ng inumin na ito. Pwede kang maghanda ng isang
tasa ng black tea, pakuluan sa mainit na tubig at haluan ng kaunting gatas.
Sunod ay lagyan ng mga powder spices gaya ng cardamom, luya o di kaya nama’y
cinnamon.
O ano? Coffee na lang ba dear?
Source: medicmagic.net
Comments
Post a Comment