Lalo sa mga babae, ang pagkakaroon ng maganda,makintab at malusog na buhok ang pangarap ng nakararami sa kanila. Kaya’t madalas silang makita sa parlor o salon upang alagaan ito. Hindi kasi ganoon kadali ang pagkakaroon ng masiglang buhok. Ito ay nangangailangan ng sapat na atensyon at maiging pangangalaga.
Ito naman ang mga simple ngunit akmang diet para sumigla ang
iyong buhok. Sapagkat kung nais mong magkaroon ng long and shiny hair, dapat
lamang na tama ang iyong diyeta.
Kung ikaw ay mayroon ng healthy diet tulad ng pagkain ng
masusustansyang prutas at gulay pati na rin pag-inom ng maraming tubig ay
ipagpatuloy mo lamang ito. Makabubuti ito sa buhok lalo’t sa mabilis na pagtubo
nito. Kung ganito ang iyong dyeta ay di mo na kailangan ng karagdagan pang
bitamina. Maigi ang mga fibrous food tulad ng salad at prutas. Umiwas sa
paghigop ng mga sabaw o soup pati na rin sa paginom ng mga juice.
Ang balanseng dyeta ay may kasamang protina, bitamina,
mineral, carbohydrates at fats. Mawala ang isa sa mga ito ay malaking epekto na
sa pagkasira ng buhok. Kapag kulang ka sa protina, makikita mong dumadami na
ang iyong uban. Kung kulang ka naman sa Vitamin A ay makikita mong nagiging
tuyot at magaspang ang buhok. Kung wala ang Vitamin C ay maaaring bumagal ang
pagtubo ng iyong buhok. Ang Vitamin B naman ay nakapagpapakintab sa ating buhok
at nagpapanatili sa tamang bigat nito.
Kaya’t siguraduhin mong lahat ng nutrisyon na ito ay
kinokonsumo ng iyong katawan.
Pwede mong sundin ang ilang salad recipe na ito para sa
ikagaganda ng iyong buhok:
Seasonal Fruit Salad. Ito ay pakwan, matamis na melon,
papaya, pomegranate, pinya, saging, at cherries.Hiwain sa maliliit ang mga ito,
lagyan ng black salt at kainin ng malamig.
Beetroot Potato Salad. Sangkap naman nito ay hiniwang
beetroot, pipino, nilagang patatas, cottage cheese, at kamatis. Hiwain ng
maliliit at ihalo sa ginayat na repolyo. Lagyan ng fresh na lemon juice, asin
at paminta.
Source: tips4me.com
Comments
Post a Comment