Skip to main content

FB AT TWITTER: Pangontra Sa SUICIDE?


Sabi sa pagsasaliksik, maaawat ang teenager sa kanyang pagpapakamatay o suicide kung lagi siyang gumagamit ng FB, Twitter, at kung anu-ano pang social networking sites.



Wala naman 'yang ginawa kundi mag-fb at mag-twitter, ito ang kalimitang reklamo ng mga magulang sa kanilang anak, sabay iling. Kung minsan kasi dahil sa maghapon nilang pagbababad sa computer ay nakalilimutan na nilang mag-aral.

Kaya kalimitan ay nagsisipagbababaan ang kanilang mga grado. Ngunit kahit ganun, may kabutihan pa ring dulot ang FB o Twitter. Sa pamamagitan nito ay hindi na maiisipan ng teenager ang mag-suicide.

Alam na alam natin na sa pamamagitan ng social media sites ay nagagawa nating mailabas ang galit at sama ng loob maging ang ating mga kabiguan.

Sa pamamagitan nito ay mababawasan ang paghihirap ng kalooban natin. 'Yun nga lang kapag sobra na ang sakit na nararamdaman natin, hindi na maiwasan pa na maisipan ang mag-suicide.

Kung minsan ay sobra tayong emosyunal na pakiramdam natin ay hindi na masosolusyonan ang problema. Kaya naman, ibig na lang natin itong takasan.

At kung minsan ang pagpapakamatay na lang ang naiisip na solusyon.

Sa pag-aaral na isinagawa ng mga mananaliksik sa Ohio State University sa Colombus U.S, ang paggamit ng social media sites ay nakatutulong para mabago ang isip ng isang teenager na mag-SUICIDE.

Dahil magagawa mong maisigaw sa wall mo ang iyong nararamdamang galit, sakit at ang plano mong pagpapakamatay, siguradong maramig magco-comment sa iyong post.

Karamihan sa mga ito ay magsasabing walang mangyayari kung sasayangin mo ang buhay sa  isang walang kwentang problema. Ang karaniwan namang problema ng teenagers ay lovelife, financial at family problem kaya agad siyang mapapayuhan ng mga friends niya sa social networking site, sigurado na unti-unti siyang makakaramdam ng paglilinaw ng isip.

Kaya makabubuti rin na naibubulalas ng isang teenager ang kanyang nararamdaman.

At least sa pamamagitan nito ay malaman natin na mayroong taong kapamilya o kaibigan na may matinding pinagdaraanan.

source: Bulgar credits to: Ria Gonzales
image source: choosehelp.com

Comments

Popular posts from this blog

Tips Para Mawala Ang Sinok (HICCUP)

Hindi kaaya-aya sa pakiramdam ang sinukin (HICCUP) lalo’t nasa harap ka ng isang importanteng meeting o di kaya nama’y first time mong maka-date ang iyong nililigawan. Paano ba mawala ang sinok? Heto ang ilang tips para mawala ang ganitong pakiramdam. Pigilan mo ang iyong paghinga hangga’t sa makakaya mong gawin ito. Takpan mo ng iyong mga daliri ang iyong magkabilang tenga at malumanay na pisilin matapos ang ilang minuto. Yumuko sa baywang at uminom ng tubig habang nasa ganoong posisyon. Kumain ng luya. Sumipsip ng hiniwang kalamansi o lemon. Lumagok ng isang kutsaritang suka Mahigpit na takpan ng paper bag ang iyong bibig. Pagkatapos ay huminga at bumuga ng hangin sa loob ng paper bag. Lumunok ng isang kutsaritang asukal at pagkatapos ay uminom ng tubig. Magpuno ng tasa ng tsaa mga hanggang 2/3 ang pagkapuno. Sunod ay maglagay ng nakasaliwang kutsarita. (i.e ang hawakan sa tasa) at uminom ng normal. Magiging abala ka sa kutsara na huwag malaglag sa tasa habang ikaw ay umii

Pamahiin Tungkol Sa Kasal (WEDDING SUPERSTITION)

Punumpuno ng mga superstitious beliefs ang mga pinoy tungkol sa kasal (wedding). Kahit na moderno ang panahon ngayon, marami pa rin ang naniniwala sa mga pamahiin wala man itong lohikal na paliwanag o syentipikong eksplanasyon. Nandun pa rin kasi sa atin 'yung pag-uugali na wala namang masama kung maniniwala kaya kahit ipagpilitan pa ng iyong lolo na ito ay coincident lamang, hindi pa rin ito mawala-wala. Magkagayunpaman, hindi mahalaga ang mga ito. Ang mahalaga ay punumpuno ng pagmamahalaan ang mag-asawa, nagtitiwala at may commitment sa isa't-isa at ang kanilang paniniwala sa basbas ng Diyos na sila ay pinagsama upang maging maligaya habambuhay. Anu't-anuman, narito ang ilang paniniwala na sinusunod magpahanggang ngayon at mga hindi na dahil ang iba ay wala na sa hulog. Hindi dapat na isinusukat ng bride ang kanyang wedding dress bago ang kasal dahil baka hindi ito matuloy.  Ang kutsilyo o iba pang mga matutulis na bagay ay hindi dapat na ipinanreregalo sa ikakas

Seafood Allergy- Tips Kung Anong Dapat Gawin

Ang seafood allergy ay nararanasan ng isang tao kapag ito ay nakakain ng ilang klase ng isda o shellfish at dahil dito ay nagkaroon ito ng reaction sa kanilang immune system at nagdulot ng ilang sintomas ng allergic reaction (rash,hives,pangangati,pamamaga,pagsusuka,diarrhea,pananakit ng tiyan,hirap sa paghinga,pagbaba ng presyon at mawawalan ng malay) at ang seafood daw ay isa sa Top 8 na food allergen kumpara sa soy at milk allergies. Seafood Allergy -Tips On What to Do? Marami sa atin ang nagkaka-allergy sa seafood (shrimp,talaba,lobster,scallops,clams,crabs,squid) subalit, mas marami ang sa shrimp (hipon) at sinasabi na 40% ay may fish allergy (salmon,tuna) at 60% naman ay seafood allergy na nagsisimula sa adulthood. Ang pagkakaroon ng allergic reaction sa ilang muscle protein (tropomycin) na nasa seafood ay posibleng magdulot ng  "anaphylactic shock" kung saan ay biglang  baba ng blood pressure, namamanhid ang dibdib hanggang leeg, namamaga ang lalamunan at dah