Para sa circular system ng ating blood vessels, may masamang dulot dito ang asin o salt kung labis ang pagkonsumo nito sapagkat magiging dahilan ito ng hypertension. Pero sa ating respiratory system, ang asin ay maaaring makagamot sa asthma sa pamamagitan ng haloterapi o salt therapy.
Ang haloterapi ay isang alternatibong gamutan mula sa
Eastern Europe na ginagamitan ng halite o rock mineral, lalo na ng NaCL o Salt.
Ang mineral na ito ay hindi iniinom o kinakain kundi nilalanghap sa pamamagitan
ng pagbomba ng hangin.
Ang pasyente ay pinauupo sa isang silid na mayroong salt
crystal at pinalalanghap ng hangin na may halong salt na binobomba naman ng
isang halogenerator. Sa kabuuan tulad din ito ng sa spa, ang kaibahan ay
mineral salt ang binubuga nito imbes na aromatherapy steam.
Sa orihinal na rehiyon kung saan ito nangaling, ang
haloterapi ay natural na makukuha sa mga kuweba at sa mga salt lake gaya ng
Dead Sea sa border ng Jordan, Israel at West Bank. Popular naman ang therapy na
ito sa Europe, America at Canada.
Napatunayang ang salt therapy ay mabisa panlaban sa iba’t
ibang respiratory problem gaya ng asthma, allergies at maging ng pneumonia.
Maaari din itong isang detoxification para sa mga smoker na nakararanas ng mga
sintomas ng pag-ubo at plema.
Source: medicmagic.net
Comments
Post a Comment