Salamat sa konsepto ng malls, sapagkat dahil sa mga ito ay mayroon ng opsyon na makapamili ng mga nais bilhin, hindi lang sa uri kundi pati na rin sa brand ng produktong nais. Ito nga ay lugar kung saan masarap ang mag-shopping pero ito rin ay maaaring maging lugar kung saan paglabas mo wala ng pera ang iyong bulsa. Kaya maging wais ka sa pagsho-shopping sa malls. Ito ang ilang tips para makatipid ka katoto.
Sale Ba Ngayon?
Kung iyong tipo mong bilhin ay hindi pa kayang ma-afford ng
iyong pera ay huwag nang ipilit pa. Huwag kang mag-alala kasi magse-sale din
yang gusto mong item. Hindi mo alam, na ang mga boutique sa mall ay updated sa
kung ano ang uso kaya kapag hindi na uso ang ibinebenta ay agad nilang
binabagsak ang presyo ng mga ito para mabilis ng mabili. Para maging
maagap kung kailan ang sale sa mall ay magtingin-tingin
ka sa diyaryo ng kanilang mga anunsyo.
Pwedeng Mag-online Shopping
Mas mababa ang presyo ng mga item na mabibili online. Pwede
kang makatipid ng hanggang 35% sa item na gusto mo at marami rin sa mga online
store ang may free shipping. Dagdag pa riyan, hindi mo na kinakailangan pang
magtungo at makipagsiksikan sa mall.
Mga Store sa Mall na Malapit ng Magsara
Siguro hindi lang ganoon ka-attractive sa mga tao ang
interior ng store o boutique na ito kaya nalugi. Pero huwag ka, mayroong mga
items doon na bagsak presyo pero magagandang isuot o ipang-display sa bahay. Kaya
huwag maliitin sapagkat makakamura ka sa mga ito. Punta na, bago pa tuluyan ng
magsara.
May Alternatibo Naman
May mga branded na item na sobra ang mahal pero dahil na rin
ito sa magandang reputasyon at kalidad ng produkto. Pero hindi naman porke’t
branded ito na lang ang maganda sa iyong paningin. May mga produktong tulad ng
branded, wala mang pangalan ay maganda ring alternatibo para sa iyo. Minsan pa
hindi porke’t mahal ang item ay matibay na. Kaya ikonsidera din ang ibang produkto
na may kalidad din naman at mura pa.
Matutong Maghintay
Lahat ng mall stores gagawin ang lahat para ma-enganyo kang
bumili. Mula sa disenyo ng kanilang store hanggang sa kalidad ng kanilang
produkto at serbisyo. Iyong minsan, dahil dun, pakiramdam mo ay dapat mo na
ngang bilhin ang mga ito. Pero kung duda ka sa iyong sarili at hindi ka pa sure
na dapat ngang bilhin ito ay huwag munang gawin, tumingin ka pa sa iba, baka
mayroong mas maganda pang item sa iba pang store na mas mura pero parehas lang
ang kalidad.
Da Best Ang Pagpaplano
Mas makatitipid ka kung planado ang araw ng iyong
pagsho-shopping. Magkagayon ay alam ko kung magkano lang ang budget mo at alam
mong tutungo ka lang roon para makamura sa pagbili gaya ng halimbawa ng plano
mong magtungo sa mall dahil sale.
Iwasan ang pagdala ng credit card
Alam mo bang dahil sa convenient ang pagbibitbit ng plastik
na money na ito ay matatakam kang bumili ng 70 porsyentong item na hindi mo
naman dapat na bilhin. Kaya’t para hindi ka maging magastos sa pag-sho-shopping
ay dalhin lang ang eksaktong pera para sa mga plano mo talagang bilhin.
Source: tips4me.com
Comments
Post a Comment