Isang boring na gawain at nakatatamad ang pag-eexercise para sa ilan. Mas gugustuhin nilang manood na lamang ng teleserye sa telebisyon o di kaya’y mag dota o facebook kaysa maglaan ng oras para sa isang cardio exercise. Alam ninyo bang ang kawalan ng ehersisyo ay nakamamatay tulad ng paninigarilyo, wala itong pinagkaiba. Kaya galaw-galaw para hindi ma-stroke. O sige, kung sa tingin mo boring ang pag-eexercise ay sundin ang ilang tips na ito para maging kagilig-giliw itong gawin sa araw-araw.
Una, kailangan mo ng training partner, pwedeng kontakin ang
kaibigan para may kasama kang mag-ehersisyo.
Kung hindi naman pwede si kaibigan dahil busy sa date nila
ng syota niya ay huwag kalimutan si bantay, pwede mong kasama ang iyong alagang
aso sa paglalakad-lakad, pagjo-jogging at pagtakbo. Hindi lang ito nakasasayang
gawin, marami ka ring makikilalang bagong kaibigan sa paglabas mo ng iyong
bahay para mag-exercise.
Maglaro ng sports tulad ng paintball o airsoft. Masayang
gawin ito sapagkat isa kayong grupo na nagtatagisan ng galing, tumatakbo at
umiiwas na matamaan sa ulo. Bukod pa riyan, hindi mo namamalayan ang oras dahil
ang utak mo ay naka-pokus sa laro hindi sa orihinal mong ideya na
mag-ehersisyo. O di ba masaya?
Mas magiging energetic ka naman kung makikinig ka ng mga
danceable music habang ikaw ay nagte-treadmill o di kaya nama’y nag-jo-jogging.
Pwede ka rin namang manood ng t.v habang gumagawa ka ng mga
stationary exercises gaya ng paggamit ng stationary bike habang ikaw ay nasa
bahay.
Paganahin ang imahinasyon, pwede kang mag-imbento ng laro
para sa iyong cardio exercise. Masaya ito lalo’t may kasama kang makikilalaro
sa iyong bagong imbentong game.
Maglaro ng basketball, painball, football, tennis o
waterpolo. Masaya itong gawin kasama ng iyong mga kaibigan at tiyak na hindi
magiging boring ang ganitong uri ng exercise.
Habang nag-eehersisyo ay pwede ka ring umawit. Iyon ay kung
maganda ang boses mo para hindi ka makabulahaw ng kapitbahay. Kung alam mong
sintunado ka ay kumanta ka na lang gamit ang iyong isip.
Source: tips4me.com
Comments
Post a Comment