Skip to main content

Tips Sa Pagkuha Ng NBI CLEARANCE


Isang importanteng dokumento ang NBI clearance. Ito ang madalas hanapin ng mga employer o agency kapag nag-aaply ka ng trabaho. Pero huwag kang mag-alala madali namang kumuha ng NBI CLEARANCE lalo't malinis naman ang record mo. Ito ang Tips Sa Pagkuha ng NBI CLEARANCE:

Mga Kailangang Dalhin: 

Dalawang valid i.d. Pwede ang voter's i.d, postal i.d, sss i.d, GSS i.d, PRC license, driver's license, school i.d, passport, ACR ( para sa mga alien), senior citizen's i.d, at Philhealth I.D

* Wala na rin pong renewal ang NBI. Kailangan mo nang kumuha kapag paso na ito. Marahil kasi ang NBI clearance ngayon ay mayroon ng Bar Code na maaaring mabasa ng isang QR CODE Scanning App na naka-install sa iyong mobile device. Tignan ang sample sa larawan:


Ano ang mga dapat bayaran?

  1. 415 pesos kung gagamitin mo ito sa mga ss: naturalization, cancellation of ACR, Repatriation.
  2. 165 pesos naman para sa mga ss: Change of name, business license, PRA requirements, permit to carry firearm
  3. 115 pesos naman para sa mga ss: Travel Abroad, immigration, visa seaman, marriage requirement, local employment, customs pass, enlistment AFP, DND, DOT, I.D purposes
Ito ang proseso sa pag-aaply:
  1. I-ve-verify ng clerk ang iyong mga data. 
  2. Hahanapin ng clerk ang iyong pangalan sa kanilang database para tukuyin kung may kapangalan ka.
  3. Kukuhanan ka ng litrato
  4. Kukunin din ang iyong fingerprint sa pamamagitan ng isang scanning device. 
Kung wala kang kapangalan ay agad mo itong makukuha. Kung mayroon naman ay bibigyan ka ng schedule kung kailan ang releasing ng iyong NBI clearance.

source: ofwguide.com
image source: timpotter-philippines.com

Comments

Popular posts from this blog

Tips Para Mawala Ang Sinok (HICCUP)

Hindi kaaya-aya sa pakiramdam ang sinukin (HICCUP) lalo’t nasa harap ka ng isang importanteng meeting o di kaya nama’y first time mong maka-date ang iyong nililigawan. Paano ba mawala ang sinok? Heto ang ilang tips para mawala ang ganitong pakiramdam. Pigilan mo ang iyong paghinga hangga’t sa makakaya mong gawin ito. Takpan mo ng iyong mga daliri ang iyong magkabilang tenga at malumanay na pisilin matapos ang ilang minuto. Yumuko sa baywang at uminom ng tubig habang nasa ganoong posisyon. Kumain ng luya. Sumipsip ng hiniwang kalamansi o lemon. Lumagok ng isang kutsaritang suka Mahigpit na takpan ng paper bag ang iyong bibig. Pagkatapos ay huminga at bumuga ng hangin sa loob ng paper bag. Lumunok ng isang kutsaritang asukal at pagkatapos ay uminom ng tubig. Magpuno ng tasa ng tsaa mga hanggang 2/3 ang pagkapuno. Sunod ay maglagay ng nakasaliwang kutsarita. (i.e ang hawakan sa tasa) at uminom ng normal. Magiging abala ka sa kutsara na huwag malaglag sa tasa habang ikaw ay umii...

Iba Pang Kaalaman Tungkol Sa Genital Herpes

Ang artikulong mababasa sa baba ay mula sa pahayagang Bulgar sa kolum na Sabi ni Doc ni Shane Ludovice M.D. Ito ay tungkol sa nararanasan ng isang babae tungkol sa pagtutubig ng kanyang ari na tila pabalik-balik. Ano kaya ito? Sabi ni Doc, maaaring genital herpes ang nararanasan ng babae. Ito ay dala ng virus na Herpes Simplex. Maaari itong makuha sa pakikipagtalik sa pwerta, puwit, o oral s&x o pagdikit sa sugat ng taong impektado. Sa genital herpes, nakakakita ng mga butlig na may tubig na parang pasa o sugat sa dakong ari at ito ay makati, mahapdi o masakit. Paminsa-minsan ay nakararanas din ng masakit na pag-ihi o kaya ay nakararamdam ang pasyente na parang may trangkaso. Ang nasabing virus ay maaaring magpabalik-balik. Ngunit sa paglipas ng panahon, nababawasan at dumadalang na ang tindi ng atake nito hanggang tuluyan nang huminto ang atake ng herpes. May mga gamot na klasipikadong anti-herpes pero ang ginagawa lamang nito ay pabilisin ang proseso ng paggaling ng suga...

Pamahiin Tungkol Sa Kasal (WEDDING SUPERSTITION)

Punumpuno ng mga superstitious beliefs ang mga pinoy tungkol sa kasal (wedding). Kahit na moderno ang panahon ngayon, marami pa rin ang naniniwala sa mga pamahiin wala man itong lohikal na paliwanag o syentipikong eksplanasyon. Nandun pa rin kasi sa atin 'yung pag-uugali na wala namang masama kung maniniwala kaya kahit ipagpilitan pa ng iyong lolo na ito ay coincident lamang, hindi pa rin ito mawala-wala. Magkagayunpaman, hindi mahalaga ang mga ito. Ang mahalaga ay punumpuno ng pagmamahalaan ang mag-asawa, nagtitiwala at may commitment sa isa't-isa at ang kanilang paniniwala sa basbas ng Diyos na sila ay pinagsama upang maging maligaya habambuhay. Anu't-anuman, narito ang ilang paniniwala na sinusunod magpahanggang ngayon at mga hindi na dahil ang iba ay wala na sa hulog. Hindi dapat na isinusukat ng bride ang kanyang wedding dress bago ang kasal dahil baka hindi ito matuloy.  Ang kutsilyo o iba pang mga matutulis na bagay ay hindi dapat na ipinanreregalo sa ikakas...