Para mag-improve ang ating utak ay kinakailangan natin ng nutrisyon. Hindi lang mga memory game ang nagpapabuti sa ating memorya at iba pang tungkulin ng ating utak kundi kailangan din nating kumain ng mga masusustansyang pagkain para sa ikabubuti n gating brain function.
Kung noo’y ang mga berry lamang ang sinasabing smart food at
maiging kainin para protektahan ang ating brain cells laban sa inflammation.
Ngayon ay itinuturing na rin na maigi sa pagpapabuti n gating brain functions
ang carrots pati na rin ang olives.
Ayon sa Health Day News, may mga pag-aaral na ang pagkain ng
mga prutas ay nakatutulong para sa mga aktibidad n gating utak tulad ng
pag-iisip, pag-me-memorize at logic.
Ang luteolin na makikita sa carrots at olive oil ay compound
na nakapagpapababa ng inflammation na nagpapahina sa kapasidad ng ating utak at
memorya.
Ayon sa University of Illinois, ilan pa sa mga pagkain na
mayaman sa luteolin ay ang kintsay,peppers, mansanilya,menta, at romero.
Sa loob ng apat na linggong pagkonsumo ng mga pagkaing
mayaman sa luteolin ay malalabanan nito ang mga inflammatory molecules na dulot
ng normal aging process. Ang mga molecules na ito ang siyang nagdudulot ng
problema sa pagme-memorya at sa memorya natin mismo.
Source: medicmagic
Comments
Post a Comment