Skip to main content

Para 'Di Turn Off Sa Girls Ang Amoy Mo (BODY ODOR)


Ang ating katawan ay kayang magbawas ng 1.5 na tubig sa isang normal na araw. Ngunit mas marami pa rito ang pwedeng mawala sa katawan kapag sobra ang init ng araw, mga hanggang 10 litro lang naman kada araw- kaya nagpapawis ng husto kapag mainit. Mainam ang pawis sapagkat sa pamamagitan nito ay nailalabas natin ang init sa ating katawan. Ngunit nagdudulot din ito ng masangsang na amoy dulot ng mga natural na bacteria sa ating balat kaya naman ito ay nauuwi kung minsan sa pagkakaroon ng body odour. At para sa kaalaman ng lahat, mas pwedeng magkaroon ng mabahong amoy ang mga lalake kaysa sa mga babae.

Hindi mo man kayang pigilan ang iyong pagpapawis ay kaya mo namang kontrolin ang pagkakaroon ng body odour para naman hindi turn-off sa girls ang amoy mo.

Uminom ng maraming tubig. Ang pagkonsumo ng sapat na dami ng tubig sa katawan ay makatutulong para hindi ka masyadong magpawis. Kaya masanay ka nang uminom ng tubig ngayon.

Gumamit ng anti-perspirant o deodorant. Liberal na gumamit ng mga ito para makontrol ang pagkakaroon ng body odor. Kung masyado kang pawisin lalo’t mainit ang panahon ay makabubuting lagi mo itong bitbit sa iyong bag. Pwede mo ring subukan ang paggamit ng talcum powder para hindi masyadong magpawis at maging fresh at mabango ang iyong katawan. Sabayan mo din ito ng paggamit ng cologne para mas maging mabango.

Kung labis na mainit ang panahon ay maigi ang pagkain na mayaman sa fiber at matubig. Iwasan ang pag-inom ng alcohol pati na rin mga pagkain na mamantika at mabigat sa tiyan sapagkat ang mga ito ay magdudulot lang ng labis na pagpapawis sa katawan.

Iwasan ang synthetic fibers. Mas mainam ang magsuot ng mga damit na yari sa cotton lalo’t kung mainit. Tumutulong itong makahigop ng pawis at may dulot na ginhawa sa pakiramdam. Labhan maigi ang damit at patuyuin. Kapag hindi masyadong natuyo ang damit ay maaaring mabuhay ang mga bacteria na nagdadala ng masangsang na amoy sa nilabhan.

Hindi mo kailangang maging gwapo o macho para ma-turn on sa’yo ang babae na iyong nililigawan. Kung minsan sa amoy pa lang ng iyong katawan ay panalo na sa kanila. Kaya’t maging malinis sa katawan para hindi turn-off ang girls sa amoy mo.
Source: tips4me.com

Comments

Popular posts from this blog

Pamahiin Tungkol Sa Kasal (WEDDING SUPERSTITION)

Punumpuno ng mga superstitious beliefs ang mga pinoy tungkol sa kasal (wedding). Kahit na moderno ang panahon ngayon, marami pa rin ang naniniwala sa mga pamahiin wala man itong lohikal na paliwanag o syentipikong eksplanasyon. Nandun pa rin kasi sa atin 'yung pag-uugali na wala namang masama kung maniniwala kaya kahit ipagpilitan pa ng iyong lolo na ito ay coincident lamang, hindi pa rin ito mawala-wala. Magkagayunpaman, hindi mahalaga ang mga ito. Ang mahalaga ay punumpuno ng pagmamahalaan ang mag-asawa, nagtitiwala at may commitment sa isa't-isa at ang kanilang paniniwala sa basbas ng Diyos na sila ay pinagsama upang maging maligaya habambuhay. Anu't-anuman, narito ang ilang paniniwala na sinusunod magpahanggang ngayon at mga hindi na dahil ang iba ay wala na sa hulog. Hindi dapat na isinusukat ng bride ang kanyang wedding dress bago ang kasal dahil baka hindi ito matuloy.  Ang kutsilyo o iba pang mga matutulis na bagay ay hindi dapat na ipinanreregalo sa ikakas...

Tips Para Mawala Ang Sinok (HICCUP)

Hindi kaaya-aya sa pakiramdam ang sinukin (HICCUP) lalo’t nasa harap ka ng isang importanteng meeting o di kaya nama’y first time mong maka-date ang iyong nililigawan. Paano ba mawala ang sinok? Heto ang ilang tips para mawala ang ganitong pakiramdam. Pigilan mo ang iyong paghinga hangga’t sa makakaya mong gawin ito. Takpan mo ng iyong mga daliri ang iyong magkabilang tenga at malumanay na pisilin matapos ang ilang minuto. Yumuko sa baywang at uminom ng tubig habang nasa ganoong posisyon. Kumain ng luya. Sumipsip ng hiniwang kalamansi o lemon. Lumagok ng isang kutsaritang suka Mahigpit na takpan ng paper bag ang iyong bibig. Pagkatapos ay huminga at bumuga ng hangin sa loob ng paper bag. Lumunok ng isang kutsaritang asukal at pagkatapos ay uminom ng tubig. Magpuno ng tasa ng tsaa mga hanggang 2/3 ang pagkapuno. Sunod ay maglagay ng nakasaliwang kutsarita. (i.e ang hawakan sa tasa) at uminom ng normal. Magiging abala ka sa kutsara na huwag malaglag sa tasa habang ikaw ay umii...

Tips Kung Paano Gamitin Ang Oregano Bilang Gamot

Ang Oregano na may scientific name na Coleus Aromaticus ay isang halamang gamot. Ito ay may matapang na amoy, mabango at malambot ang mga sanga. May pagkahugis puso ang hitsura nito na may haba na 2-3 pulgada. Bukod sa ginagamit ito bilang lunas sa mga karamdaman gaya ng ubo at sipon, ang Oregano ay sangkap din sa ilang mga lutuin bilang pampalasa. Mga Benipisyo Ng Oregano: Nakapagbibigay ginhawa ito kung ikaw ay may ubo, sipon o lagnat. Mabuti rin itong lunas kung ikaw ay may sore throat. Lunas din ito kung ikaw ay may UTI  Maigi rin ito kung ikaw ay may stomachache Nakakagamot rin ito ng mga pigsa  Tips Kung Paano Gamitin Ang Oregano: Ilaga ang sariwang dahon ng Oregano sa tatlong tasa ng tubig. Mga 10-15 minutos. Kung ikaw may ubo o sipon, maiging uminom ng isang tasa nito 3 beses sa isang araw.  Kung malala ang iyong ubo. Gawing mas matapang ang paghahanda ng Oregano sa pamamagitan ng pagpiga sa dahon nito at inumin ang isang kutsaritang k...