Marami sa mga ospital ang nag-pe-presyo ng mahal na bayarin sa kanilang mga pasyente. Kaya’t ang mga ito ay nahaharap sa malaking hospital bills na nakaka-stress at tipong hindi na nila alam kung paano ito babayaran. Maraming mga over charge na katangap-tangap naman ngunit mayroon ding hindi. Para sa mga pasyente, mahirap maintindihan ang bayarin sa ospital, kaya’t ang ilan sa mga ito ay maglalagay ng mga codes at medical terminology na lalong magpapahirap sa mga pasyente na maintindihan ang bayarin. Kaya sa huli, malaking hospital bills ang kahaharapin ng kawawang pasyente.
Ito ang ilang tips para hindi mangyari sa iyo ito:
Kung hindi naman isang emergency ang iyong pagkaka-ospital
ay tignan mo ang policy ng iyong insurance para malaman mo kung ano ang covered
sa hindi at kung ano ang mga dapat mo talagang bayaran. Maging maingat sa
pagre-review ng mga sakop at hindi sakop ng iyong insurance. Sa pamamagitan
nito malalaman mo kung ano ang hindi nito covered.
Tawagan mo ang hospital department at alamin kung anong
kanilang room charges at ano ang mga sakop nito. Tulad halimbawa ng kung hindi
kasama ang tissue roon ay dapat kang magdala ng sarili mo.
Tanungin ang doktor sa magiging estima ng iyong gamutan.
Tanungin mo rin kung pwede mong dahin ang iyong regular na preskripsyon para
maiwasan mo ang pagbabayad ng mga gamot sa ospital.
Suriing maigi kung kasama ba sa iyong insurance ang mga
doktor na mangangalaga sa iyong kalusugan tulad ng surgeon, anesthesiologist,
radiologist, pathologist atbp.
Kung kaya mo ay i-file mo ang lahat ng resulta ng iyong
test, medikasyon at gamutan. Kung hindi naman ay humingi ng tulong sa iyong mga
kaibigan o kapamilya para gawin ito para sa iyo.
May mga pagkakataon na padadalhan ka ng Explanation of
Benefits (EOB) ng iyong insurance. Huwag mo itong itapon sa halip ay suriin ito
sapagkat ito ay maglalaman ng kung magkano ang icha-charge sa iyo ng hospital,
ano ang sasakupin ng iyong insurance , at kung ano ang iyong deductibles at out
of pocket at pati na rin co-payments.
Kapag pinakita na sa iyo ang bill mo ay basahin at suriin
itong maigi. Ikumpara ito sa log na ginawa mo, sa EOB mo at sa estimation na
hiniling mo bago ka pa man ma-admit sa ospital.
Kung may mga item na hindi ka maintindihan ay tumawag ka sa
billing department at sa iyong insurance at hingin mo ang kanilang
paliwanag.Huwag mong tanggapin ang bills na mayroong mga lab fees at
miscellaneous. Mag-demand ka ng itemization.
Kung duda ka pa rin ay mag-request ka ng itemized billing
pati na rin medical records para makumpirma mo kung talagang naisagawa sa yo
ang mga gamutan na nakalagay roon o hindi.
Source: tips4me.com
Comments
Post a Comment