MARAHIL ay alam na ng isang babae ang ibig sabihin ng disiplinadong diyeta, kasabay ng konsumo ng pang-araw-araw na multivitamin ngunit maraming nalilito sa kung anong tamang nutrisyon at bitamina para sa isang indibidwal.
Inilahad ng isang eksperto ang mahusay na guide upang manatiling malusog ang isang babae sa buo niyang buhay mula sa mga sumusunod:
1. Edad 20-29. Iminungkahi ng isang eksperto ang pagkakaroon ng sapat na vitamin D at calcium ng isang babae para sa mas matibay niyang buto. Ang mga buto sa ganitong edad ay patuloy na lumalaki sa 10% pa nitong nalalabi. Kaya't mahalagang magkaroon ng sapat na calcium upang makabuo ng maraming bone mass makukuha mula sa vitamin D.Mas matibay ang buto, mas malayo sa banta ng osteoporosis sa hinaharap.
2. Edad 30-39. Upang hindi madaling makaramdam ng pagtanda, inirerekomenda ng isang nutritionist ang pagkakaroon ng sapat na iron sa katawan para sa dagdag na enerhiya.
Mainam din ang ubas upang mapalayo sa mga senyales ng pagtanda.
3. Edad 40-49. Para sa abalang dekadang ito, iminumungkahi ng isang nutritionist ang pagkakaroon ng sapat na vitamin C.upang malabanan ang stress.Karamihan sa mga kababaihan sa ganitong gulang ay nasa ilalim ng mataas na level ng cortisol na kailangang maitaboy sa katawan — na maaaring magbunsod sa sakit sa puso, cancer, at pagbibigat ng timbang.Magagawang hadlangan ang naturang cortisol sa pamamagitan ng pagkokonsumo ng vitamin C.
4. Edad 50-59.Ito ay upang masagip ang kondisyon ng dibdib atbp.Inererekomenda ng eksperto ang pagkonsumo ng green tea extract upang makaiwas sa breast cancer.
Tinatayang 78% ng kababaihan na naitalang may breast cancer ay nasa ganitong gulang.Ngunit, ayon sa pananaliksik, ang antioxidant na makukuha sa green tea extract ay nakapagpapababa ng panagnib ng breast cancer ng hanggang 12%.
5. Edad 60 pataas.Upang mamantina ang kalusugan ng puso, iminumungkahi ang isang niacsin, ito ay isang super-vitamin na nakakapagpataas ng good HDL cholesterol ng 15% hanggang 30% at nagpapababa sa LDL level hanggang 20%.
Samantalang ang magnesium ay nakababawas ng taas ng presyon ng dugo kaya't mainam na magkaroon nito sa katawan.Ito ay nakatutulong upang mamantina ng tama ang BP ngisang tao.
Punumpuno ng mga superstitious beliefs ang mga pinoy tungkol sa kasal (wedding). Kahit na moderno ang panahon ngayon, marami pa rin ang naniniwala sa mga pamahiin wala man itong lohikal na paliwanag o syentipikong eksplanasyon. Nandun pa rin kasi sa atin 'yung pag-uugali na wala namang masama kung maniniwala kaya kahit ipagpilitan pa ng iyong lolo na ito ay coincident lamang, hindi pa rin ito mawala-wala. Magkagayunpaman, hindi mahalaga ang mga ito. Ang mahalaga ay punumpuno ng pagmamahalaan ang mag-asawa, nagtitiwala at may commitment sa isa't-isa at ang kanilang paniniwala sa basbas ng Diyos na sila ay pinagsama upang maging maligaya habambuhay. Anu't-anuman, narito ang ilang paniniwala na sinusunod magpahanggang ngayon at mga hindi na dahil ang iba ay wala na sa hulog. Hindi dapat na isinusukat ng bride ang kanyang wedding dress bago ang kasal dahil baka hindi ito matuloy. Ang kutsilyo o iba pang mga matutulis na bagay ay hindi dapat na ipinanreregalo sa ikakas...
Problema mo ba ang mga alikabok sa iyong bahay? Huwag nang mag-alala katoto sapagkat heto na ang ilan sa mga paraan upang hindi bahayan ng alikabok ang bahay mo. 1. Kailangan mo ng isang magandang pamunas. Mas maiging gumamit ng mga micro fiber cloth kaysa sa mga feather duster . Mas nakakakuha kasi ito ng mga alikabok na talaga namang nakapagpapaalis ng dumi. Mas matagal din ang panahon na tinatagal nito kaysa sa huli. 2. Sa itaas ka muna magsimulang maglinis. Mas maparaan at hindi ubos oras kung magsisimula kang mag-alis ng alikabok sa itaas na bahagi ng kahit anong gamit mo sa bahay tulad ng lampara,cabinet,bintana atbp. Hindi na magiging paulit-ulit pa ang pag-imis mo kung ganito ang paraan mo dahil wala nang malalaglag pa na alikabok mula sa itaas pababa. 3. Gumamit ka ng dryer sheets kung magpupunas ka sa loob na bahagi ng washing machine , sa ganitong paraan matatangal mo lahat ng dumi na naiwan mo mula sa iyong paglalabada. 4. Para sa iyong mga furniture , mas ...
Nakababahala ang dumaraming kaso ng hindi magagandang insidente na nararanasan ngayon ng mga menor de edad sa kamay ng mas nakatatanda. Ang mga nakatatanda na dapat sana’y gumabay at magbigay tulong sa mga kabataan upang maabot nila ang kanilang pangarap ang sila pang nagiging hadlang para masira ang kinabukasan ng mga batang ito. Alamin ang tungkol sa proteksyon ng bata laban sa mga ganitong klaseng pang-aabuso. Ito ang kaalaman tungkol sa karapatan ng bata laban sa mga mapang-abuso sa ilalim ng R.A no. 7610. Ang insidente ng karahasan sa mga menor-de-edad, halimbawa ay ang pagpapakita ng ari ng matatandang lalaki sa batang paslit ay maituturing na isang paglabag sa Republic Act (R.A) No. 7610 o ang tinatawag na “Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.” Nakasaad sa Section 3 (b) ng article I ng nasabing batas ang mga gawain na maituturig na child abuse: “Section 3. Definition of Terms. – x x x (b) “Child abuse” refers to the ...
Comments
Post a Comment