Ang mga pagkain na isinisilbi tuwing Chinese New Year ay may hatid na simbolo na tulad ng mga Tsino ay pinaniniwalaan na ang pagkain ay direktang nakakaapekto sa kanyang kapalaran sa papasok na taon.
for illustration only |
Treasure Chicken ( Pat Po Kwe ). Ito ang pagkain na inihahain ang buong manok na sinisimbolo ng magandang pagsasama at pagkakasundo ng buong pamilya. Habang ang bibe ay nagsasaad ng katapatan kaya naman mas pangunahing handa ang buong manok. Tinatangalan ng buto ang manok at papalamanan ng malagkit na kanin o machang, tuyong scalops, tinadtad na Chinese Ham, tuyong hipon, lotus seeds at iba pang pampalasa. Ang malagkit na kanin ay nagsasaad ng pagkakasundo ng pamilya habang ang lotus seeds ay sinisimbolo ng pertilidad.
Ang Tikoy. Ang tinatawag na Chinese New year pudding, ang tikoy ay gawa sa malagkit na harina ng kanin, wheat starch, asin, tubig, at asukal. Ang kulay ng asukal ay ginagamit upang mabigyan ng kulay ang tikoy (puti o brown). Ito ay hinihiwa sa ilang piraso, inilulubog sa binating itlog at saka ipiniprito. Hindi lang gawa sa malagkit na kanin ang sinasabing pagkakasundo ng pamilya, ito rin ay binibilog ang hugis na ibig sabihin ay walang katapusang kasaganahan.
Ang Pancit Canton o Bihon. Isinisilbi dahil ang mahabang hibla o noodles ay sinasabing naghahatid ng mahaba at masaganang buhay.
Ang isda ay pangunahin ding handa sa mesa sa Chinese New Year. Sa Chinese, ang salitang isda ay may kahulugan na salitang "surplus" o "ekstra". Sabi nila, habang buong isda ang inihahanda na may tinik, ulo at buntot, sigurado ang kasaganahan at magandang simula at pagtatapos ng taon.
Ang ulang o hipon. Sinasabi na naghahatid ito ng kaligayahan at kabuuan ng pagkatao.
Pinasingaw na Dumplings o Siomai. Sa hilagang Tsina, tradisyunal na ito ang inihahain dahil ang paraan ng paghahanda nito ay nagsasabing naibabalot ang suwerte. Bilang dagdag, ang salitang dumplings o siomai ay tulad ng salitang pagpapalit ng Bagong Taon.
Ang mga Berdeng Gulay. Ay sinasabing pampatatag sa samahan ng isang buong pamilya.
Ang Kendi. Bilang handa ay naghahatid ng matamis na taon.
Ang Buto Ng Sunflower, Kalabasa, o Melon. Ang pinaniniwalaang tumitiyak ng kaligayahan para sa pagpasok ng Bagong Taon.
mula sa Bulgar Tabloid akda ni nympha miano-ang
Comments
Post a Comment