Punumpuno ng mga superstitious beliefs ang mga pinoy tungkol sa kasal (wedding). Kahit na moderno ang panahon ngayon, marami pa rin ang naniniwala sa mga pamahiin wala man itong lohikal na paliwanag o syentipikong eksplanasyon. Nandun pa rin kasi sa atin 'yung pag-uugali na wala namang masama kung maniniwala kaya kahit ipagpilitan pa ng iyong lolo na ito ay coincident lamang, hindi pa rin ito mawala-wala. Magkagayunpaman, hindi mahalaga ang mga ito. Ang mahalaga ay punumpuno ng pagmamahalaan ang mag-asawa, nagtitiwala at may commitment sa isa't-isa at ang kanilang paniniwala sa basbas ng Diyos na sila ay pinagsama upang maging maligaya habambuhay.
Anu't-anuman, narito ang ilang paniniwala na sinusunod magpahanggang ngayon at mga hindi na dahil ang iba ay wala na sa hulog.
- Hindi dapat na isinusukat ng bride ang kanyang wedding dress bago ang kasal dahil baka hindi ito matuloy.
- Ang kutsilyo o iba pang mga matutulis na bagay ay hindi dapat na ipinanreregalo sa ikakasal dahil ito ay magdudulot ng paghihiwalay ng mag-asawa.
- Ang pagreregalo ng arinola ay pinaniniwalang nakapagbibigay ng swerte sa bagong kasal.
- Malapit sa mga aksidente ang ikakasal kaya naman dapat nilang iwasan ang mga mahahabang biyahe para hindi ito mangyari.
- Ang groom na unang umupo kesa sa kanyang asawa sa kasagsagan ng seremonya ng kasal ay magiging under-de-saya.
- Ang biglang pagbuhos ng ulan habang may ikinakasal ay magdadala ng kasaganahan at kaligayahan sa kanilang dalawa.
- Kamatayan ang kahulugan kung may kandilang biglang namatay, kung kaninong side 'yun, siyang mauuna.
- Kasaganahan ang dulot ng paghahagis ng butil ng bigas sa bagong kasal.
- Para maiwasan ang kamalasan, dapat na mauna ang groom sa pagdating sa kasalan kaysa sa bride.
- Ang pagbabasag ng kahit ano sa reception ay nagdadala ng swerte sa newly wed.
- Dapat tapakan ng bride ang paa ng groom habang naglalakad papunta sa altar kung gusto niyang sumunod ito sa kanyang kapritso.
- Ang bride na magsusuot ng perlas sa kanyang kasal ay magiging malungkuting misis at magdaranas ng pagdurusa at pagluha. Ito ay nanggaling sa paniniwala na ang perlas ay mula sa luha ng oysters.
- Ang dalaga na sumusunod sa nilakaran ng bagong kasal ay malapit na ring ikasal.
- Magdadala ng kalungkutan sa couple ang pagkahulog ng wedding ring, veil o arrhae.
- Ang araw ng kasal ay dapat na pinaplano dahil ang magkapatid ay hindi dapat na ikasal sa loob ng isang taon. Ito ang tinatawag na sukob na siyang magdadala ng kamalasan sa kanila. At ayon sa feng shui, mas maganda kung pipiliin ng ikakasal ang petsa ng kanilang kasal base sa numero na nagtatapos sa upward stroke. Isipin mo, halimbawa, kung ilan ang nagpapakasal sa mga petsa na ang dulo ay 0,5,8? Gayundin na ang 8 ay simbolo ng infinity o sa kaso ng kasalan ay panghabambuhay.
- Hindi dapat na maging principal sponsor o ninong o kaya ay ninang ang single dahil maaaring hindi na siya ikasal sa buong buhay niya.
- Ang mga kalapati na gagamitin sa reception ay dapat makalipad ng malaya. Kung nakalipad sila at nagtagpo, nangangahulugan itong magiging masaya ang pagsasama ng bagong kasal.
- Huwag mong lilinisin ang mesa habang kumakain dahil baka hindi siya makapag-asawa.
- Kung nagkaroon ng regla ang bride sa araw ng kanyang kasal, sila ay magkakaroon ng maraming anak.
- Magdadala ng maraming blessings sa mag-asawa kung marami ang kanilang ihahain sa wedding reception.
source: Bulgar Tabloid kolum ni Denis Visto
ask ko lang po, kung sukob din po ba kung parehas na taon ikakasal ang pamangkin at tyuhin?
ReplyDeletepwde bang mahiram ang lalagyan ng aras?
ReplyDelete