Ito ay artikulong isinulat ni Dr. Shane Ludovice sa pahayagang Bulgar at ating ibinabahagi sa blog na ito para sa pampersonal na kaalaman. Kung nais pa ng karagdagang kaalaman ay maaaring sumanguni sa kanyang email sa dok@bulgar.com.ph.
Ang pagkakaroon ng bato sa ureter ay dala ng labis o sobrang level ng calcium sa dugo, sobrang taas ng level ng uric acid at ng iba pang kondisyon. Posible rin ang sanhi nito ay madalas na pagpipigil ng ihi, mahinang pag-inom ng tubig o impeksyon.
Kung ang nabarahan ay ureter ( ito ang tubong nagkokonekta sa kidney at pantog) labis na pananakit ng tiyan ang mararanasan sapagkat humihilab ang mga masel ng nabarahang lugar dahil gusto nitong alisin ang mga nakabarang bato.
Kaya dahil sa prosesong ito ay nakararanas ng paulit-ulit na atake ng matinding kirot sa apektadong lugar.
Kung minsan ang atake ng pananakit ay sandali lamang dahil ang bato ay nahuhulog sa pantog o kaya sa bituka. Kung ang ureter ang nabarahan ay hindi makaka-function ng maayos ang kidney at posible ring ito ay ma-damage.
Kahit pa hindi bumara ang bato sa isang tubo ay sapat na ang presensya nito o pagkakaroon ng bato para magsimula ng infection.
May ibinibigay na gamot ang mga doktor kung maliliit lamang ang mga bato at kung mailalabas ang mga ito sa pag-ihi. Kung ang bato naman ay nasa lower part ng ureter ay maaaring isagawa ang tinatawag na Ureteroscopy with Laser Lithotripsy.
Kung ang bato naman ay nasa upper part ng ureter o sa may kidney ay maaaring isagawa ang Extracorporeal Shock Wave Lithotripsy (ESWL). Pareho namang outpatient surgical procedure ang mga nabanggit, ibig sabihin, maaari ring umuwi agad matapos ang operasyon.

Comments
Post a Comment